Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasadlakan nina Abby Viduya at Jomari Yllana hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang magkasintahan para tuwirang sagutin ang alegasyon ni Anjo Yllana laban sa kanila.
Kung matatandaan, ibinulgar ni Anjo kamakailan na ang kaniyang kapatid na si Jomari at si Abby ang nagbulsa sa kaniyang campaign funds kaya umano napilitan siyang umatras bilang kandidato sa pagkakongresista sa Camarines Sur.

Imahe mula sa Filipino News
Nagbanta rin si Anjo na magsasampa siya ng reklamo laban sa dalawa.
“I decided to talk to a lawyer and to file a case against Jose Maria Yllana and Abby Viduya who misled me and stole my campaign funds,” anang komedyante sa isang Facebook post noong nakaraang araw.
Nananatili mang tahimik si Abby, o nakilala rin dati bilang si Priscilla Almeda, tila may pasaring ito kay Anjo na idinaan sa isang tula.
“Look inside yourself,” panimula ni Abby. “Words you use that stab like a knife pierces more at your soul with each single strike. You plan and calculate your next vile attack and when you do, I won’t strike back.”

Screenshot mula sa Facebook| Priscilla Almeda
“My life is a book, I have nothing to hide. You boast of your endeavors and gloat with pride. How strange that someone like you can’t see the damage you do to yourself and not me. When you look at a mirror, you look at hate. Do you not see what will be your fate,” patuloy nito.
Sa dating FB post ni Anjo na deleted na ngayon, inakusahan niya sina Jomari at Abby na siyang humawak sa kaniyang campaign funds subalit hindi na umano ito nakarating sa kaniya.
Hinamon pa niya ang dalawa na sumailalim sa lie detector test upang malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Imahe mula sa Bandera
Subalit tila may sagot rito ang dating sexy star sa huling bahagi ng tula:
“For I live for truth and truth alone. Lies from you, I will not condone. I will not judge you, that is not my role. I intend to keep my good heart and soul. So for you, I will say one last time. Go get a life and stop meddling with mine.”
Nalulungkot naman ang pamilya Yllana at kanilang mga kaibigan sa showbiz dahil sa hidwaang namamagitan ngayon sa magkapatid na posible pang umabot sa korte.