‘It’s his destiny’: Cavite Gov. Jonvic Remulla naniniwalang mananalo si Bongbong Marcos sa pagkapangulo

Naniniwala si Cavite Gov. Jonvic Remulla na nakatadhana si presidential aspirant Bongbong Marcos na manalo sa parating na halalan.

Imahe mula sa Facebook | Jonvic Remulla

Sinabi niya ito matapos na ibahagi ang naging resulta ng isinagawang internal survey sa 1,600 residente sa buong Cavite noong Disyembre 1 hanggang 5. 

“Mainit ang usapan. Kaniya-kaniyang manok ang laban. Ayaw ko na sanang makihalo ngunit dahil sa isang deleted survey ko sa Twitter na sadyang pinag-iinitan ngayon ng ilang kampo, narito naman ang internal survey,” ani Gov. Remulla sa isang Facebook post.

Ayon sa datos na kanilang nakalap, 62 percent ang boboto kay former Sen. Bongbong Marcos, 16 percent kay Sen. Ping Lacson, 9 percent kay Vice President Leni Robredo, 6 percent kay Manila Mayor Isko Moreno, at 4 percent naman kay Sen. Manny Pacquiao.

Imahe mula sa Facebook | Jonvic Remulla

“Surveys are a snapshot in time. If the election was held today? BBM will win in Cavite by a landslide. I believe he will win the Presidency in 2022. It’s his time. It’s his destiny,” pahayag ni Gov. Remulla.

Ang deleted survey naman na tinutukoy na Remulla ay ang sinimulan niyang “informal survey” sa Twitter kung saan tinanong niya ang netizens kung sino ang kanilang iboboto sa pagkapangulo sa Eleksyon 2022.

“INFORMAL SURVEY: Kanino ang boto ninyo? p.s. Sorry 4 na pangalan lang ang allowed sa Twitter,” aniya sa ngayo’y deleted nang post.

Imahe mula sa Twitter

Kahit wala na sa kaniyang page ay makikita sa screenshot ng netizens na matapos makakuha ng kabuuang 20,466 votes ay nanguna rito si VP Leni Robredo (81 percent). Sumunod naman sina Marcos (11 percent); Sen.Lacson (7 percent); at Sen. Pacquiao (1 percent).

Sa isang panayam sa Rappler, sinabi niyang pinabura niya ang survey sa kaniyang staff dahil sa maling setting nito. “My staff accidentally put it in the wrong setting. I had them remove it immediately. It was an honest mistake,” aniya.

Post a Comment

Previous Post Next Post