Isa ang aktor-TV host na si Anjo Yllana sa mga celebrities na maagang naghain noon ng certificate of candidacy para sa eleksyon sa darating na Mayo ngayong taon.
Pero, nagulat ang marami nang i-urong niya ang kandidatura at nagpa-substitute na lang sa isang kaalyado.

Image from Anjo Yllana
Noong una, kalusugan ang idinahilan niya sa pag-atras sa pagkandidato bilang kongresista sa 4th District ng Camarines Sur. Pero, heto nga at ibinunyag na niya ang tunay na rason kung bakit siya umatras.
Pera daw ang pangunahing dahilan. Secondary lang ang kalusugan niya.
“Nu’ng nagka-covid kasi ako nu’ng October, after that, one month na nakakaramdam pa rin ako ng medyo kakaiba. Actually, ngayon nga, sabi ko sa doktor ko, may acid reflux ako saka ‘yung aking asthma. May asthma na kasi ako before pa. Napansin ko na parang mas lumalala. Pero sa tingin ko, kaya ko pa naman. That was secondary,” paliwanag ni Anjo nang kapanayamin.
“Pero the main reason kung bakit ako umatras din, medyo hindi kasi maganda ang nangyari sa akin,” patuloy pa niya.
Inamin niya na kaya siya umatras dahil kinakapos ang campaign budget na galing sa isang “sponsor.”
Sa pag-iikot ay kailangan niyang maglabas ng pera. Hindi raw siya ang klase na magsasabing walang pera sa mga humihingi ng tulong.
“Marami sa mga taga-4th district ng CamSur na nangangailangan ng tulong. Siyempre ‘pag nangangailangan ng tulong, kakausapin ka ganyan ganyan. Ako naman ‘pag may humihingi ng tulong, kahit hindi masyadong malaki nagbibigay ako. Ayoko ng ‘pasensya na wala pa akong pera’,” aniya.

Image from Anjo Yllana
Pero, kinakapos nga raw ang budget at nanlumo siya nang mapag-alaman na pinag-interesan pala iyon ng tinawag niyang “katiwala” na siyang nakikipag-usap sa “sponsor” tungkol sa budget.
Ang budget daw na ibinibigay ng sponsor niya ay katumbas ng sweldo niya sa “Happy Time” bilang host, na P500,000 kada buwan.
“Unfortunately, ‘yun nga… medyo sabihin na natin para madali, ninakaw ‘yung pera. Monthly kasi, ‘yung sponsor ko, may ibinibigay na budget, hindi ko alam kung magkano eksakto ‘yun. Basta ako, kung ano ang kailangan ko, hinihingi ko,” sabi ni Anjo.
Ayaw niyang pangalanan ang “katiwala.” Pero, dalawa raw iyon at “mag-syota.”
Wala raw siyang balak mag-demanda dahil dahil marami ang madadamay. Wala na rin daw siyang balak na makipag-ayos sa mag-syota.

Image from Anjo Yllana