Julia Barretto, wais na sa pera at todo kayod para sa future family

Wais na sa pera at proud “kuripot” ang young actress na si Julia Barretto.

Kung noon ay designer shoes at bags ang kanyang guilty pleasures, ngayon ay nagdadalawang-isip na siya sa pagbili ng mga mamahaling bagay.

Image from Julia Barretto

Nagsimula ang pagbabago niya ng pananaw sa kahalagahan ng pera noong  mamuhay na siya nang mag-isa sa naipundar niyang bahay para sa sarili. Mas inuuna na niya ngayon ang mga bayarin sa kanyang household tulad ng electricity bills at iba pa.

“Hindi na ako ‘yung before na parang every week may bago akong sapatos, may bago akong bag. Hindi na ako  ganon. Napupunta na lang sa electric bills, sa amortization dues,” aniya.

Mas napapahalagahan na raw niya ngayon ang perang kinikita at ‘yung oras at energy na ginugugol niya para kumita ngayong solo na lang siyang namumuhay.

“Now because I live alone, ngayon ko na-value ‘yung pera, ‘yung oras, ‘yung energy na ibinibigay mo. So, ngayon,P200, P500, P1,0000. ang mahal na sa akin no’n kasi naba-value ko na siya because nakikita ko na ‘yung bills ko. Ako na ‘yung nagbabayad kasi hindi na si mom,” kuwento pa niya.

Matatandaang sinabi niya noon na isa na raw siyang “kuripot” ngayon.

“Nung bata pa ako, magastos talaga ako. Pero ngayon na I live on my own and ako na nagra-run ng household, tipid na ako. Ano na ako, kuripot na,” pagtatapat niya.

Image from Julia Barretto

Ibinida pa ng young actress na sa loob nitong nagdaang dalawang taon, isang relo lang ang regalo niya sa sarili noong nakarang Pasko.

“Parang ’yon ’yong first gift ko sa sarili ko after two years!” aniya.

Todo kayod ngayon si Julia para magkaroon ng komportableng buhay , hindi lang para sa kanya kundi pati sa kanyang future family.

“Sana by the time magkaroon tayo ng family, ganyan, we just want our kids in the future to be comfortable. So we really strive and we work hard because kasi kailangan, eh,” sey pa ng 23-anyos na dalaga, na kabi-kabila ang mga projects ngayon.

Image from Julia Barretto

Post a Comment

Previous Post Next Post