Sa programang “Mars Pa More,” sumabak ang Miss Universe Philippines 2013 crownholder na si Ariella Hernandez Arida sa segment na “Grab-A-Box” kasama ang aktor na si Andrew Gan Calupitan.
Ang laman ng makukuha nilang box ay panglinis ng bahay kung saan ay ire-relate nila ito sa kanilang totoong buhay.
Nakakuha ng floor wax ang beauty queen-turned-actress na si Ariella Arida at inihalintulad niya sa sahig na makintab pero madulas ang kaniyang love life, kung saan nagagawang pakintabin pero nagiging madulas ang sahig.
Kasama sa napiling kahon ni Ariella ang tanong kung kailan siya nadulas sa pag-ibig.

Screenshot mula sa Youtube
Natatawang inamin ni Ariella na madalas siyang nadudulas sa pag-ibig.
“Parang kapag umibig naman ako lagi akong nadudulas,” natatawa niyang sabi.
Dinugtungan ng “Mars Pa More” host na si Kuya Kim Atienza kung anong uri ng pagkakadulas ang karanasan ni Ariella; kung sa maganda ba o hindi na paraan.

Screenshot mula sa Youtube
“Yung unang dulas talaga ‘yon yung magandang paraan. In love eh,” masaya niyang pag-amin. “Minsan ‘yung ibang dulas natutuluyan na… talagang higa na. Kailangang bumangon,” sagot ni Ariella.
Ang isa pang bisita na si Andrew Gan, feather duster naman ang nakuha.
Karugtong na tanong sa kaniya ay kung ano ang inaalikabok na hidden talent niya na dapat na niyang ilabas.

Screenshot mula sa Youtube
“Siguro ‘yung pagluluto pa,” sagot niya.
“Pero sabi nga nila ‘di ba, hindi dapat tayo napapagod or tumitigil na matuto,” dagdag pa niya.
Si Ariella Hernandez Arida ay mas kilala bilang Ara Arida, isang Filipino actress, modelo, at beauty pageant titleholder na kinoronahan sa Miss Universe Philippines noong 2013 at nagwagi bilang 3rd runner up sa Miss Universe 2013. Siya ay 33 anyos na ngayon.
Si Andrew Joseph Gan Calupitan ay 31 taong gulang na.
Ang dalawa ay magkasama sa isang Kapuso series na ‘Stories from the Heart: The end of us’. Si Ariella bilang si Eunice Uytengco at ang karakter na Javier Uytengco naman ang ginagampanan ni Kapuso Andrew bilang kapatid.
Panoorin: