Pinukaw ang damdamin ng maraming netizens ng kuwentong may kaugnayan sa mag-lolo na nagnais makatikim ng samgyeopsal. Kinailangan pa kasi nilang mamalimos para makaipon ng pambayad.
Mapalad ka kung hanggang ngayon ay mayroon ka pa ring lolo at lola, dahil ang magkaroon ng mababait at mapagmahal na elders ay talagang napakasaya sapagkat espesyal ang ibinibigay nilang pagmamahal sa ating mga apo.

For illustrative purposes only – Imahe kuha mula sa Freepik
Isang nagmamay-ari ng restawran na si Jessica Absalon ang nagbahagi sa kanyang Facebook post noong Enero 7 ng kuwento ng maglolo na nakaaantig ng puso. Hindi kataka-taka na nag-viral ang kuwentong ito.
Nais palang kumain ng bata na si Joshua sa isang sikat na Korean samgyeopsal, ang JK Samgyupsal Unli Korean BBQ, ngunit pinaalalahanan ito ng kanyang lolo na wala silang sapat na pera para makakain doon. Sinabi ni Joshua na babalik sila kapag nakapanglimos na nang sapat ang maglolo.
“Convo with JK Diner’s JK Samgyupsal Unli Korean BBQ
Joshua: Lo, try po natin dito kumain
Lolo: Anak, mag-ipon muna tayo mamaya makakapag ipon din tayo
Joshua: Sige lo, balik po kami mamaya diyan ate (mabilis niyang sinabi sa isang staff ni jk),” saad sa post ni Jessica.
Madalas daw kasing mamalimos ang dalawang ito sa kanilang lugar. At nang makalikom ng sapat na pera, agad na nagtungo ang maglolo sa JK Samgyupsal Unli-Korean BBQ.
“Mga bandang 6pm bumalik sila dala dala ng bata ang 199 pesos na tig babarya para lang masubukan ang samgyupsal,” aniya sa post
“Ate ito na po nakaipon na po ako subukan po namin ni lolo kumain,” pahayag ng batang si Joshua
Hindi naman agad nila napansin nang dumating ang dalawa, subalit nang makaluwag ay agad itong inasikaso at binigyan ng pagkain.
Hindi lamang iyon. Hindi na nga niya hinayaang magbayad ang maglolo sa kanilang pagkain, pinabaunan pa niya ang mga ito bago umuwi ng bahay. May pa-takeout pa!
“Got some realization mga sis na we are still very lucky kung ano man ang meron tayo ngayon, learn how to be contended and appreciate things maliit man o malaki bongga nayarn,” pahayag ni Jessica.
Maraming Netizens ang natuwa at naantig sa ginawa ni Jessica para sa maglolo. Bumuhos naman ang mga komento ng papuri:
“Ang sarap sa feeling na ishineshare ang blessings sa tao na alam natin na wala din, lalo na kung nanggaling din tayo sa ganung sitwasyon.” – J Rodriguez
“Thank you Jessica. You ate truly an inspiration. Supportado ka namin.” – K Lee
“Grabe dati ikaw yung tinutulungan ngayon mas bongga na ang tinutulong mo !! God Bless your heart !!” – J Mari
Maging mapagbigay sa kapwa. Ang kahit anong maliit o malaking tulong ay isang biyaya para sa mga nangangailangan nito. Ang pagiging mapagbigay ay isa ring daan para sa mas mabuti, mapayapa, at masayang buhay.

