Bag na design ni V ng BTS, sold out agad sa loob lamang ng 1 segundo?

Dahil na rin sa sobrang kasikatan ng Kpop group na BTS, sold out  umano agad ang bag na designed ng isa sa mga miyembro nito.

Ang tinutukoy sa mga ulat ay ang Mute Boston Bag na gawa ni V o Kim Taehyung na isa sa mga collection na ibinenta online nitong nakaraang Martes lamang, Enero 11.

Imahe mula sa Twitter

Kasama rin sa collection ang set of brooches na pawang design at drawing ni V.

Ayon sa ulat ng All K Pop, sold out agad ang naturang bag sa loob lamang ng isang segundo matapos itong ilabas sa Weverse, isang e-commerce platform Martes nang umaga.

Unang inanunsiyo ng HYBE sa kanilang social media account ang release ng nasabing collection noong Disyembre 30 at ipinasilip ang design nito noong Enero 9.

Dismayado naman ang mga umaasang BTS Army na hindi nakabili ng nasabing bag.

Imahe mula sa Twitter

“Bag sold out before hybe merch official could even tweet about it,” ayon sa isang Army.

“#BTS’ #V’s expensive self-designed #MuteBostonBag makes history, becoming the world’s fastest bag to get sold out, in seconds,” tweet naman ng World Music Awards.

Lea Salonga nabigo ring makabili

Maging si Lea Salonga, na kilalang masugid na miyembro ng BTS Army, ay hindi rin nakaabot sa nakakagulat na pangyayari.

Screenshot mula sa Twitter

“Sigh… I didn’t make it. The bloodbath was real, everything sold out in less than 1 minute!” panghihinayang ng international Pinay artist sa Twitter.

“So excuse me, I’m just going to cry in a corner to get over this heartbreak,” dagdag pa ni Lea.

V ng BTS| Imahe mula sa Twitter

Ang orihinal na presyo ng Mute Boston Bag ay $153.28 (mahigit-kumulang P7,800) habang ang mga Cloud Drops at Faces brooch sets ay nagkakahalaga ng $32.51 (P1,663) at ang Flower Buddies set ay may presyong $43.80 (P2,240).

Subalit ayon sa Preen.ph, sa ngayon pa lang ay may nagbebenta na ng bag sa eBay sa presyong $12,900 o halos P660,400.

Post a Comment

Previous Post Next Post