Baron sa kanyang anak: You are one of the reasons I praise God I'm alivë

Maikli ngunit nakaaantig ang mensahe ng aktor na si Baron Geisler para sa kanyang anak na si Talitha Cumi o Tali.

Sa Instagram, ibinahagi ni Baron ang ilan sa mga recent photo nila ng kanyang anak at pinahayag niya kung gaano niya ipinagpapasalamat ang pagdating nito sa buhay niya.

“You are one of the reasons I praise God I’m alive,” saad niya sa caption ng mga litrato na nilakipan pa niya ng hashtag na #ParaKaninoKaBumabangon.

baron anak

Marami ang natuwa sa post na ito ni Baron dahil bukod sa maituturing na biyaya sa kahit na sino man ang pagkakaroon ng supling, kitang-kita sa mga larawang ito kung gaano kalaki ang pagbabagong dala ni Tali sa kanyang ama.

baron anak

Sa isang panayam sa ABS-CBN, si Baron mismo ang nagbahagi kung gaano kalaking biyaya para sa kanya ang maging isang haligi ng tahanan sa piling ng kanyang asawang si Jamie Evangelista, na isang psychologist, at ng kanilang munting prinsesa na kamakailan lamang ay nagdiwang ng ikalawang kaarawan nito.

“‘Yong character ko ngayon, hindi na ako maangas,” pagbabahagi ng aktor. “Maybe, kailangan ko ang angas na ‘yan kapag kailangan ng pamilya sa pagbanat ng buto. Dahil may pamilya na ako, ayoko na ng gulo, for the sake of my wife and daughter.”

“As much as possible, kung may maghahamon sa akin, tatakbo na lang siguro ako. Ayoko na ng kaaway, especially kung kaibigan natin,” dagdag pa niya.

baron anak

Aniya, ang bad boy image na ilang ulit niyang ginampanan sa iba’t ibang serye at pelikula, na naging dahilan upang bansagan siya ng marami na “Johnny Depp of the Philippines”, ay malayong-malayo na sa Baron sa totoong buhay. Patuloy pa rin daw ang mga pagganap kung makakakuha pa siyang muli ng nasabing role, ngunit iba na raw ang kanyang prioridad at major roles.

“You will see that in my movies and teleserye. It’s not even an image. Baron is different now. I’m also treading a different path. Everyone knows that I’m a father and a husband now. Those are my major roles now. Not just for the meantime, but forever,” wika niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post