Birthday message ni Manny kay Jinkee: I feel so happy and blessed to celebrate another year with you

Karamihan sa atin, ang masayang mararanasan natin sa ating buhay ay kapag nag ‘I do’ na tayo sa ating minamahal o sa taong pinangarap makasama sa habang-buhay.

Nagbahagi ng litrato ang senador na si Manny Pacquiao o mas kilalang ‘Pacman’sa kanyang Instagram account kasama ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao, former vice governor ng Sarangani, Mindanao ng Pilipinas (2013 – 2016).

Sinabi ng boxing champion na si Jinkee ang dahilan ng kanyang kasiyahan.

“Sabi ng iba na ang happiest day of their life was when they said ‘I do’, pero para sakin every morning I get to wake up next to you is my happiest day,” ani Manny.

Sino ba naman ang hindi mapapangiti kapag makikita mong araw-araw, sa bawat paggising mo, ang mukha ng iyong minamahal, hindi ba?

“I feel so happy and blessed to celebrate another year with you. Happy Birthday my beautiful wife Jinkee,” pagpapatuloy niya.

Imahe mula sa Instagram | Manny Pacquiao

Kitang-kita ang saya ng mag-asawa sa litrato habang naka-kiss naman si Manny sa pisngi ni Jinkee.

Sa Instagram post naman ni Jinkee Pacquiao, ibinahagi rin niya ang kanyang birthday photo sa kanilang tahanan kasama ang asawa na hawak ang alaga nilang aso  pati na rin ang dalawang babae at isang lalaki na anak ngunit ang dalawa pang anak na lalaki ay wala.

“God gave me all of you! Mahal na mahal ko kayo! I miss you Pacquiao Emmanuel Israel Pacquiao,” ani Jinkee.

Ibinahagi rin niya sa kanyang Instagram post ang litrato ng kanyang kakambal na si Jane Jamora.

“Happy birthday to us! I will always be here for you no matter what. I love you my dear twin sister!” ani Jinkee.

Imahe mula sa Instagram | Jinkee Pacquiao

Nag-celebrate sina Manny at Jinkee ng kanilang ika-22 anibersaryo bilang mag-asawa noong Abril 2019. Mayroon na silang limang anak ngayon.

Nagsimula naman ang pagka-senador ni Manny noong 2016 hanggang ngayon at nagretiro sa pagiging boksingero noong Setyembre 29, 2021 sa edad na 42.

Samantala, pormal na nagsimula ang 2022 kampanyang pangpresidensyal ni Senador Manny Pacquiao noong Oktubre 1, 2021 matapos niyang mag-file ng kanyang kanditatura para sa darating na eleksyon na gaganapin sa ika-09 ng Mayo 2022.

Post a Comment

Previous Post Next Post