Matagal na palang gustong i-adopt ni John Cabahug ang mga anak ni Lian Paz kay Paolo Contis.
Si John, na isang Cebuano businessman at dating basketball player ng University of Visayas, ay ang fiancé ni Lian. Siya na ang kinalakihan at kinikilalang ama ni Xonia at Xalene na anak ni Lian kay Contis.

Image from Lian Paz’s Instagram account
Ayon kay Lian, 2 at 3 years old pa lang ang mga anak niya ay si John na ang umako ng responsibilidad sa pagpapalaki sa dalawang bata.
May una ring anak na babae sa unang karelasyon si John at may anak na rin silang babae ni Lian.
Magsisiyam na taon na rin silang nagsasama. Noong nakaraang taon ay nag-propose na nga si John kay Lian kahit alam niyang hindi pa annulled ang kasal nito sa aktor.
“Last year, nag-propose ako kay Lian noong anniversary namin. Kahit alam ko na hindi pa annulled, nagpaalam ako sa kanya. Sabi ko, ‘ibibigay rin naman ’yan, gusto ko lang i-assure sa’yo na totoo ’tong ginagawa ko’,” ani John sa isang panayam.
Kuwento pa ni John, simula nang magka-pandemic ay lalong naging maganda ang relationship nila ng anak ni Lian sa aktor.
“And ’yong relationship sobrang okey kami, especially ngayong nagka-pandemic, palagi kaming magkasama. Marami na rin silang questions. Hindi na sila ’yong sobrang bata. May mga movies silang pinapanood, tinatanong nila sa amin. So, mas nagkaka-bonding. Nakikita ko na rin ang personality nila, ’yong mga ganyan,” aniya.
May mga pagkakataon pa raw na ang ginagamit na apelyido ng mga bata ay Cabahug sa halip na Contis.

Image from Lian Paz’s Instagram account
“May mga instances na rin sa school na sa family name, ang nilalagay nila ’yong family name ko. Hindi namin alam. Hindi rin sila nagtatanong, pero ako, sinabi ko rin kay Lian na let’s make it simple na lang. Ang gusto ko lang naman sa mga bata, ’yong welfare nila kasi napamahal na rin sila sa akin nang sobra. Iba na rin ang relationship ko sa mga bata. Para kasi silang mga angels na dumating sa akin. Talagang sobra, parang anak ko na talaga sila,” kuwento pa ng negosyante na kailan lang ang negosyo ay kinilala ng ilang award-giving bodies.
Para ma-adopt niya ang mga bata ay kailangan daw ng pirma ni Paolo. Sana araw ay pumayag ang aktor.

Image from Lian Paz’s Instagram account