Ang Filipino Fashion icon na si Heart Evangelista ay isa sa mga dumalo sa Fashion Week sa Paris na tinaguriang “City of Love” at “Fashion Capital of the Western World,” na sinimulan noong Enero 24, 2022. Ito ay inorganisa ng mga naglalakihang fashion brands kabilang na ang Dior, Balmain, Victor Rolf, Chaumet, Schiaparelli, Tony Ward, at marami pang iba.
Taon-taon ay isinasagawa ng actress-model ang pagdalo sa mga Fashion events sa iba’t-ibang parte ng mundo katulad ng New York, Paris, Milan at iba pa.
Bata pa lamang si Heart ay hilig na umano niya ang fashion na namana pa niya sa kanyang mga magulang.

Nakasama na niya sa litrato si Chiara Ferragni, isang Italian blogger, businesswoman, fashion designer at model. Nagbahagi rin siya ng kanyang litrato sa Twitter kung saan iba-iba ang kanyang kasuotan.
Ngunit sa kanyang tweet noong Enero 30 ay nag-react ito sa post ng isang tabloid kaugnay sa kanyang suot na black and white dress kung saan ay tila hindi siya nakasuot ng bra.

“You guys should change your vibe,” aniya sa kanyang tweet.
Ni-retweet niya ang post ng ‘Bulgar Official,’ isa sa mga tabloid sa Pilipinas na may tanong na, “Ano’ng masasabi niyo sa pagrampa ni Heart Evangelista nang walang bra sa Paris Fashion Week?”
Hindi ito nagustuhan ng mga tagahanga ni Heart kaya naman ipinagtanggol siya ng mga ito.
“Eh kung yung nawawalang pera kaya ng Philhealth hanapin nyo kesa yang bra ni Heart? ‘No??”

“What’s new? Women’s breasts are God given. It’s Heart’s choice to show it off to public. Her job is modeling!”
“Pang glossy magazine siya di pang TABLOID. Issue nyo sa wlang bra? Inaano ba kayo ng dede nya? Di simbahan ang pinuntahan nya, FASHION WEEK yun. Wag tanga.”
“Eh ano ngayon kung walang bra, yung Asawa Niya nga okay lang sa kanya Ikaw pinapansin mo, karapatan yan ni Heart”