Ngayong taong 2022, mas dumarami ang mga batang nagkakasakit kaya naman mahalagang malaman natin ang home care practices kung sakaling makaramdam sila ng mga sintomas ng COVID-19.
Ayon sa panayam kay Dr. Leslie Mae Favenir sa Teleradyo, Pediatrician sa Cardinal Santos Medical Center, pinaalalahan niya ang mga magulang na kung sakaling lagnatin, magkaroon ng ubo’t sipon o sumakit ang lalamunan at katawan ng bata ay huwag itong balewalain bilang trangkaso, dahil mga sintomas din ito ng COVID.
Narito ang ilang paalala ni Dr. Favenir:
“Importanteng maipa-test ang inyong anak pero kung hindi naman ito available o walang kakayanan ay bigyan na lamang agad ng gamot depende sa sintomas,” dagdag niya.

Video mula sa Youtube | ABS-CBN News
Sabi pa niya, kung may lagnat ang bata, bigyan siya ng paracetamol, habang kung may sipon ay decongestant at painumin ng maraming tubig. Mahalagang manatiling hydrated ang bata.
Nagpaalala rin si Dr. Favenir na magbigay ng paracetamol kapag 37.8 degrees Celsius na ang temperatura, ngunit puwede na ring painumin kung nasa 37.5 pa lang.
Mahalaga ring ibukod ang batang may COVID symptoms at pagsuotin din ng face mask para hindi makahawa sa ibang kasama sa bahay. Mainam din na pasamahan sa adult para sa health precautions.

Video mula sa Youtube | ABS-CBN News
Sinabi rin niya na mamalagi na lang ang bata sa bahay kung ito ay healthy naman bagama’t may sintomas.
“Kung may sintomas na ang mga anak natin at sila naman ay healthy, alerto, active, makukulit, kumakain, nakakainom, wala namang pagsusuka, let them stay at home. Home care lang tayo,” aniya.
Ito naman ang ilan sa mga sintomas na nabanggit ni Dr. Favenir kaugnay sa kung kailan dapat dalhin sa emergency room ang inyong anak.
“Pero kapag napansin mo na medyo nanghihina na sila, may kasamang pagtatae, nagsusuka tapos hindi makakain at hindi natin ma-replace ng electrolyte fluid at may changes sa sensorium, like tulog nang tulog, drowsy sila, itong mga sintomas na kailangan na nating dalhin sa emergency room,” ani Dr. Favenir.

Video mula sa Youtube | ABS-CBN News
Sabi nga, lamang ang may alam. Tandaan lang ang mga paalala upang makakilos nang tama.
Panoorin :