Ano nga ba ang tamang pagdidisiplina sa anak?
Ang tamang pagdidisiplina sa bata ay nakabase sa kanilang edad. Mahalagang malaman ito ng bawat magulang upang masolusyonan ang pagtatama sa kanilang anak.
Ibinahagi naman ng aktres na si Dimples Romana sa kanyang Instagram account kung paano magdisiplina ng anak.
“When you ask your child to stand in the corner as a form of disciplinary action,” saad ni Dimples kanyang post. “Tapos nakita mo imbis na magalit, magdabog, magkutkot ng paint sa wall (Gaya ko) NAGDADASAL sya #AlonzoRomeoJose anak naman eh” .
Imbes na pagalitan ang anak ay natawa na lamang sila at nagulat ng kanyang asawang si Boyet sa kanilang nakita na nagdarasal ang anak na si Alonzo.
Sino ba naman ang magagalit sa anak na inakala ng mag-asawa na iiyak, magmamaktol sa kanilang pagdidisiplina pero nagdarasal pala ito?
Sa takot ng mag-asawa ipinaliwanag nila kung bakit nagkamali at dapat humingi ng tawad kay Lord. “Sa takot namin ni @papaboyetonline kay Lord, napasorry at explain kami eh kay alonzo,” aniya.

Imahe mula kay papaboyetonline IG account
“On a serious note, my heart melted soon as I saw this and I asked him what he was saying in prayer, ” aniya, at sinagot naman siya ng anak kung ano ang ipinagdarasal nito. “I asked God if I am a BAD PERSON and if he was disappointed in me mom because I did bad things,” saad ni Alonzo.
Tinanong ng ina kung nakita ni Alonzo si God? “Oo daw”. Sabi ng bata “Sabi ko Ano Sabi ? (Legit yung takot ko, kasi baka sabihin nya, Sabi ni Lord mom lagot kayo ni daddy),” ani Dimples.
“Sabi daw ni Lord sa kanya, “NO Alonzo, you are NOT A BAD PERSON, you just made a mistake and if you ask for forgiveness you will be forgiven. Because everyone sins everyday,” sagot ng bata kay Dimples.
Masaya naman ang mag-asawa sa kanilang nakita sa anak; na alam nito kung paano makipag-usap sa Panginoon lalo na kapag nalulungkot ito.
Maraming netizens ang nag-react sa pagdidisiplina ni Dimples sa anak.
“Napakaganda ng Values na itinuturo mo sa anak mo Mommy @dimplesromana (KAWIKAAN 22:6)” – primarose
“You’re raising him well. Good job, mommy.” – Absynthebeauty
“Sana lahat ng magulang ganito, yung sinasabihan pag mali ang anak nila.” – irenecarbo27

