Isa ang JaDine sa mga pinaka-well-loved reel-to-real couple ng kanilang panahon, kaya naman ikinalungkot ng marami ang paghihiwalay ng Kapamilya stars na sina James Reid at Nadine Lustre. Ngayong “Instagram official” na si Nadine at ang kanyang rumored boyfriend na si Christophe Bariou, halo-halo ang reaksyon ng fans ng nasabing tambalan.

Sa Instagram post ni Nadine kung saan makikita ang masasayang imahe nila ni Christophe, nag-iwan ng kumento ang maraming social media users, kabilang na ang mga fan ng JaDine.
May JaDine fans na natuwa at nagsabi na masaya sila kahit pa hindi na si James ang kasama ni Nadine dahil kitang-kita naman daw na masaya ito sa piling ni Christophe. Dagdag pa rito, makikita rin daw ang genuine smile ng lalaki habang kasama ang aktres.
“Masaya kami na masaya ka, mum!” ani @iamjoshmiguel.
“Masaya kaming JaDines para sa’yo. Para sa inyo,” kumento ni @supermarian02.
“I’m so happy for you, Nads,” wika ni @rosaliemacalisangeroy. “Mag-move on na tayo, guys, may nanalo na. Hayaan na natin. Ang importante, masaya sila sa kanya-kanya nilang buhay.”

Mayroon din namang malulungkot pa rin sa kinahinatnan nina James at Nadine.
“Kung si Nadine nga naka-move on, ako pa kaya,” sabi ni @lilamaranthinee, kasunod ang hirit na, “Ayoko mag-move on kasi hindi naman ako si Nadine.”
“Masaya na masakit,” pahayag ni @eyesyyl.
Sabi naman ng ilan, patunay lamang ito na kahit magkasama sila sa isang larawan ni James ay hindi na bumalik ang dating ugnayan nilang dalawa.
“She posted recently a picture with James and a group. Maybe that’s why she posted this, too, to let us know that she and James are now only just friends. But still, happy for you, Nads,” wika ni @itsjessyhey.

Unang umugong ang balita tungkol sa rumored relationship nina Nadine and Christophe noong nakaraang Agosto, matapos silang makita ng ilang fans sa Siargao kung saan madalas nang lumagi ang aktres. Si Christophe ang founder at managing director ng Maison Bukana, isang boutique hotel sa nasabing isla. Pagkalipas ng ilang buwan, nakuhaan naman sila ng litrato na magkahawak-kamay sa isang mall sa Makati.
Noong December, nakiisa si Nadine sa kanya Christophe habang nagsasawa ng relief operations sa mga apektado ng Bagyong Odette sa Siargao.