Noong Nobyembre inanunsyo ng brand na ‘White Castle’ na naghahanap sila ng panibagong model para sa kalendaryo nitong 2022.
Karamihan sa mga naghahanap ng mga bagong modelo para sa kalendaryo ay kumukuha ng mga kilalang mga artista na magaganda at may kaakit-akit na pangangatawan katulad na lamang nina Bea Alonzo at Chie Filomeno na nagmomodelo para sa ilang local brands. Ngunit tila lumihis na talaga sa nakagawiang criteria ang White Castle? Ngayon ay bukas na rin ang aplikasyon para sa lahat ng kasarian?
At may nanalo na!
“Nung 2021, ang calendar model namin, yung laging taga-luto tuwing may inuman. Ngayong 2022, ang calendar model namin, ang laging nagpapainom tuwing may inuman. Ang aming White Castle 2022 Calendar Model, walang iba kundi ang Mima nyong busog, Sassa Gurl! ” post ng White Castle.
“Maya na kayo mag-maoy. Sinong nagsabing babae lang pwedeng maging Calendar Model? Ilabas nyo na ang White Castle at ang chaser, basta si Sassa Gurl ang pulutan ha?”
Hindi lang sa newsfeed at mga social media platforms makikita ang internet sensation na si Sassa Gurl kundi pati sa mga kalendayo na rin! Sabi nga, Sassa Gurl is everywhere na talaga!
Maraming nag-post online at nagpakita ng sari-saring pose para manalo at maging modelo, ngunit hindi nagpatalo ang social media personality sa kanyang post online. “Kaming bakla ang malakas magpainom tas, kayong mga babae mag cacalendar girl?” saad niya sa caption ng kanyang IG post.

Imahe kuha mula kay Sassa Gurl IG account
Mukhang nag-impact ang kanyang post ah. Nakaabot sa ‘lupon ng inampalan’.
Masayang ibinahagi ni Sassa ang kanyang pagkapanalo bilang calendar model 2022 ng White Castle Whisky sa kanyang Facebook account.
“I-set na ang inom!!!! Ako na agad ang pulutan,” aniya. “Nagbunga na ang pagpapainom natin mga bakla! Para to sa mga baklang umaawra sa inuman at nazezero, eto na tayo na ang naka booking sa calendar gurl,” dagdag pa nito.

Imahe kuha mula kay Sassa Gurl FB account
Si Felix Petate, na mas kilala bilang Sassa Gurl o Mima, ay isang komedyante, vlogger at aktor. Sumikat siya sa TikTok noong 2020.
Kilala ang White Castle Whisky na nagtatampok ng mga sikat at mga bigating artista sa mga kalendaryo nito. Noong nakaraang taon, ang nanalong calendar model 2021 ay ang ‘social media celebrity chef’ na si Ninong Ry. Binalikan din ang ilan sa mga pinaka-memorable nitong modelo, na kinabibilangan nina Carmi Martin, Glydel Mercado, at Aubrey Miles.

