Marco Alcaraz, nagbahagi ng 'Couple tips'

Ang pag-aasawa, tulad ng sabi ng matatanda, ay hindi tulad ng bagong sinaing na kapag napaso ka ay basta mo na lamang iluluwa. Ito umano ay dapat ituring na isang 2-way street. Kinakailangan ang pantay na pagbibigayan sa pagitan ng mag-asawa para maging maayos ang takbo ng pagsasama kahit pa may mga kaharaping problema.

Ibinahagi  ng dating varsity basketball player, model at aktor na si Marco Alcaraz sa kanyang Instagram account ang ‘couple tips; para sa mga mag-asawa lalo na yaong mga bagong kasal pa lamang.

 

“Napost ko na last year to pero worth it na ipost ulit. Malalaman mo na masaya ang pagsasama nyo mag-asawa kung may respeto, tiwala at hindi pinag-aawayan ang pera. Kaya pag pera ni Mrs pera nya yun at kapag pera ni Mr pera pa rin ni Mrs yun tama ba ako?” saad ni Marco.

Sampung taon nang kasal ang aktor na si Marco Alcaraz at ang kanyang beauty queen at actress wife na si Lara Quigaman.

Kaya naman minarapat ni Marco na magbahagi ng ilang mga bagay na natutunan niya sa loob ng sampung taon nilang pagsasama.

Mapagbiro man ang tono ng mga post ni Marco, marami namang mapupulot mula sa mga ito.

Naging mahalaga daw para sa kanila ang pagbibigay ng sapat na oras para sa isa’t isa. Bukod dito, mahalaga rin daw ang komunikasyon.

Kamakailan lamang ay niregaluhan niya ang kanyang misis ng isang massage chair dahil mahilig umano itong magpamasahe sa kanya.

“Dahil mahilig si Lara magpamasahe, binigyan ko siya ng @ogawa_ph chair #SmartReluxe Pag ako kasi nagmamasahe sa kanya hinde natatapos.. kung saan saan napupunta,”  aniya. “Lagi nyo dapat alagaan mga asawa nyo.. bigyan nyo sila ng me time.. para maalagan tayo at ang mga anak natin ng mabuti,” dagdag pa niya.

Iba talaga ang feeling kapag binibigyan ka ng importansya ng taong mahal mo, kaya naman marami ang natutuwang fans sa kanila sapagkat ipinapakita ni Marco na mahal na mahal niya ang kanyang asawa.

Sa ngayon ay masayang nagsasama ang dalawa at mayroon na silang tatlong anak.

Post a Comment

Previous Post Next Post