Tindero ng torotot at laruan, kumita ng higit P150,000 sa loob lamang ng ilang araw

Sino ba naman ang hindi hahanga sa ginawa ng isang netizen, kung saan ay kumita sila ng kanyang asawa ng mahigit P150,000 sa pagtitinda ng torotot at laruan sa loob lamang ng ilang araw?

Kapag may tiyaga nga naman, may pagpapala!

“Sipag, tiyaga at diskarte,” ‘yan ang paalala ni Leo sa mga netizens.

Kinilala ang tindero na si Leonel Orendain na nagsimula umanong magtinda ng torotot at laruan nitong Disyembre 22 hanggang 31 noong  holiday season sa Tagaytay City.

Aniya, naranasan kasi nila na halos walang maihain sa kanilang mesa tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon kung kaya’t nagsumikap siyang magbenta ng torotot at laruan upang kahit papaano ay may maihanda sila.

Tuwing kapaskuhan at Bagong taon ay puro gala lang sila at kapag walang pera ay mangungutang pa sila sa 5-6 para may magastos lang sa pagbili ng mga prutas at panghanda.

Pero ramdam ni Leo na napakabigat ng Bagong taon sa kanila dahil umano sa problema nila kung saan naman sila kukuha ng ipambabayad sa utang. Minsan ay napipilitan pa raw siyang magtago dahil wala talagang pangbayad.

Nang matuto sila ng kanyang asawa kung paano magnegosyo, tuwing Pasko at Bagong taon ay halos lagi silang walang handa. Dahil sa sobrang busy nila ay karaniwang alas diyes na ng gabi kung makauwi sila sa kanilang tahanan. Tanging sa mga kapitbahay na lamang sila nakakapa-noche buena.

Laking pasasalamat naman niya sa naging resulta ng kanilang pagtitiyagang magbenta ng torotot at mga laruan kung saan kumita sila ng higit P150,000.

Sapagkat malaki ang kanilang utang sa bangko, ang perang kinita nila ay agad nilang ipinambayad at iniraos nilang makabili ng ilang gamit sa bahay. At sa kasalukuyan ay ipinapaayos nila ang kanilang bintana.

“Ang totoong basehan para tayo ay swertehin sa buong taon ay dapat magsipag at manalig kay Lord,” pagbabahagi ni Leo.

“Talaga lang po sgurong pinagpala kami ni Lord dahil po nagsisipag kami, ipinost po namin ito hindi para magyabang kundi para makapagbigay ng inspirasyon at motivation sa iba. Laki po ng pasasalamat namin sa Lord dahil po sa biyayang ito,” ani Leo.

 

“Kaya kayu po kung gusto nyu rin swertihin sa buong taon, magsipag lang po kayo at magtiyaga. Syempre wag po lagi natin kalimutan magdasal kay lord,” dagdag pa niya.

“Ang totoong basehan para tayo ay swertihin sa buong taon, dapat magsipag tayo aat manalig kay Lord. Wala ng iba. Kasi kahit punuin mo pa ang bahay mo ng mga bilog na prutas at maghanda ka ng bongga-bongga, kung hindi ka naman magsisipag sa buong taon wala rin,” dagdag pa niya.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post