Maris Racal nag-react sa komento ng netizen sa kanyang bagong single na 'Pumila Ka'

Hindi napigilang mag-react online ng singer-songwriter, host, vlogger, endorser at aktres na si Maris Racal sa nagkomento sa kanyang post kaugnay sa bagong single niyang na-release na.

Kamakailan lamang nang inilunsad ang music video ng aktres sa kanyang pinakabagong kanta na ‘Pumila ka‘.

Ayon kay Maris, ang kanta ay tungkol sa mga taong pumipila para sa pangarap man o sa kani-kanilang crush.

Nakatanggap ito ng komento sa Facebook mula sa isang netizen na nagsabing “Bakit pipila cno k ba [sino ka ba]?”

Ini-screenshot ni Maris ang naturang komento at ibinahagi sa Twitter page nito “Huhu title lang po ‘yung nga kanta ko. pero may point siya,” saad nito sa kanyang tweet.

“title lang po yun* huhu queen of typos,” dagdag pa niya.

Marami namang tagahanga ang sumusuporta at nagmamahal sa aktres sa kabila ng mga nagkokomento nang hindi maganda at nangba-bash dito.

Inilabas na sa YouTube ang kanyang pangatlong single na ‘Pumila ka’ at mayroon nang halos 184,000 views as of posting.

Bukod sa visuals, ipinagmamalaki rin ng netizens si Maris sa patuloy na pagtangkilik at pagbibigay halaga nito sa diyalektong bisaya sa ilang bahagi ng kanyang kanta.

Ang ‘Pumila Ka’ ay sinulat ni Maris Racal kasama ang singer, song writer/rapper na si Raven.  Kolaborasyon nila ito ng nobyong si Rico Blanco na kasama rin umano sa pag-areglo ng musika.

Sa pangunguna ng beteranong filmmaker na si Treb Monteras, ang mga visual ay isang choreography-heavy spectacle na nagbabalik sa mga tagapakinig sa panahong 2000s pop music, na pinangunahan ng mga artist tulad nina Beyoncé, Britney Spears at Christina Aguilera.

Dalawang single din ang inilabas ni Maris noong nakaraang taon – angAte Sandali noong Hunyo at Asa Naman noong Setyembre.

Ang dalawang single ay nagtatampok ng produksyon mula kay Rico Blanco, habang ang music video para sa ‘Asa Naman’ ay co-directed ng magkasintahan na kasalukuyang nasa yugto ng romantikong relasyon.

Si Maris ay unang nakilala at sumikat nang sumali ito sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post