Metro Manila Subway Project 25 percent complete na

Inanunsiyo ng Department of Transportation na ang overall progress ng unang underground mass transport system ng bansa ay umabot na sa 25.09% as of November 2021.

Ang P355-billion Metro Manila Subway Project (MMSP) ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaking infrastructure project sa bansa, ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

Image from DOTr

Ang plano para sa massive project ay noon pa umanong 1973 ipinanukala, subalit ayon kay Sec. Tugade, wala iyong kumpletong feasibililty study, walang approval mula sa  National Economic and Development Authority (NEDA) board, walang pondo at wala kahit isang kontrata nang magsimula ang Duterte Administration noong June 2016.

“This means that for more than 40 years and six administrations, all we had were talks, proposals, studies, drawings and powerpoint presentations,” sabi ng kalihim.

Ngayon, ang lahat ng mga nabanggit ay mayroon na raw.

“Now the MMSP is already NEDA board-approved, alreaady funded by the japanese, and its partial operability civil works,trains and electromechanical systems already contracted. Actual construction works by the design-build conttractor for the partial operability section began in 2019 with site clearing at MMSP’s Valenzuela depot,” pagbibida ni Sec. Tugade.

Noong July 2021 ay pumirma ang pamahalaan ng additional loan package na nagkakahalaga ng P116 billion upang pondohan ang construction ng proyekto.

Tinatawag na “Project of the Century,” ang subway project ay inaasahang makapagsisilbi sa 370,000 passengers araw-araw sa unang taon nito  ng full operations.

Image from DOTr

Kapag fully operational na ay magkakaaroon ang MMSP ng labinlimang istasyon, kabilang na ang terminal station sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ang proyekto ay inaasahang makukumpleto sa taong 2024 o 2025. Bahagi iyon ng ”Build, Build, Build” Program ng Duterte Administration.

Bukod pa sa subway system, kasalukuyan na ring tinatapos ang P777.55 billion project na North-South Commuter Railway na may habang 148 kilometers, may 37 train stations, 464 train cars at tinatayang 830,000 passengers ang masisilbihan kada araw kapag fully operational na iyon.

Image from DOTr

Post a Comment

Previous Post Next Post