Mga guro sa Maynila ikinatuwa ang Manila Teacher's Kit mula sa city government

Ikinatuwa ng mga guro sa Maynila ang natanggap nilang Manila Teacher’s Kit na naglalaman ng mga kapaki-pakinabang na bagay na magagamit nila habang hinaharap ang mga pagsubok na dala ng pandemya.

Sa Facebook, ibinahagi ng mga guro ang natanggap nilang kit mula sa city government na naglalaman ng graphic tablet, hand sanitizer, sim card, bag na may UV light, at jacket.

“Maraming salamat po, Yorme,” saad ng gurong si Dahn Eugene Del Rosario. “Sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas e hindi n’yo pa rin nakalimutan ang mga tulad naming guro lalo na sa Maynila.”

Manila Teacher's Kit

“Thank you, Manila LGU and DCS Manila sa pangmalakasang teacher’s kit,” wika naman ni Dhangskie Nicodemus.

“Thank you, Yorme Isko Moreno Domagoso and Vice Mayor Honey Lacuna,” ani Evangeline Tabor Rabago. “Iba kapag alagang Maynila.”

“Salamat sa ating butihing Yorme, Mayor Isko Moreno, at sa ating vice mayor, Dr. Honey Lacuna, kasama ng kanyang konseho at sa mga taxpayer ng Maynila. Salamat sa isang napakagandang teacher’s kit na handog para sa mga guro ng Maynila. Salamat, City Government of Manila. Salamat sa Division of City School Manila Officials sa effort na magkaroon ng teachers kit ang buong kaguruan ng Maynila. Salamat sa effort ng aming Punongguro, Sir Manny Pena, at sa aming Property Custodian Ma’am Librada Laxamana Inductivo,” sabi naman ni Apol Latoja na pinasalamatan din ang iba pang mga nakiisa sa city government, kabilang na ang mga opisyal sa paaralang pinagtuturuan niya.

Manila Teacher's Kit

Mensahe naman ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga guro ng lungsod, nawa ay pagsumikapan nila ang pagtuturo at paggabay sa mga estudyante sa kabila ng pagiging mahirap ng panahong ito.

“Sa mga teacher ko, pagsumikapan ninyo ang pagtuturo sa ating mga estudyante. May awa ang Diyos, makatatawid din tayo sa pandemyang ito. God first!” aniya.

Manila Teacher's Kit

Post a Comment

Previous Post Next Post