Congenital anosmia — ito ang hindi pangkaraniwang kondisyon na mayroon ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes. Sa pinakasimpleng paliwanag, walang sense of smell ang young actress.
“Ipinanganak akong walang sense of smell. Wala akong pang-amoy,” pagbabahagi ni Andrea sa kanyang vlog sa YouTube.

Screenshot mula sa vlog ni Andrea Brillantes | YouTube
Gayunman, hindi raw hadlang ang katotohanang wala siyang pang-amoy para manatiling mabango at ipagpatuloy ang isa sa mga pinakapaborito niyang gawin: ang mangolekta ng pabango. Aniya, “Pinanganak ako na mayro’ng congenital anosmia so pinanganak ako na walang sense of smell, pero siyempre concerned pa rin ako sa maaamoy sa’kin ng mga tao bilang isang artista. Ayaw ko naman masabihang, ‘Itong artista na ‘to ang baho-baho.’ Siyempre, gusto natin mabango tayo.”
“Necktarine Blossom and Honey,” wika ng aktres habang ipinakikita ang pabangong nasa bag niya. ”

Screenshot mula sa vlog ni Andrea Brillantes | YouTube
Sa panayam sa kanya ng Pikapika, ibinahagi ng aktres kung ano-ano ang mga paborito niyang scent.
“Gusto ko ng honey, milk, ‘di ko alam kung anong amoy ng warm vanilla pero sabi nila matamis daw ‘yon so parang ganoon. Gusto ko lang ‘yong parang niyayakap ka ng chocolate. Sweet but warm,” wika niya.
Isang bagay lang daw ang naaamoy ni Andrea kahit papaano.: ang rubbing alcohol na dapat ay mataas ang concentations.

Screenshot mula sa vlog ni Andrea Brillantes | YouTube
Samantala, ibinahagi rin ng aktres na isa pa marahil ay may epekto ng kondisyon niya sa kanyang sense of taste at ito marahil ang rason kaya mahilig siyang kumain ng mga malalasang pagkain.
“Feeling ko kaya po ako mahilig sa malasa, kaya ako magana kumain, mahilig ako sa fatty food, sa matatamis, baka kulang yung panlasa ko,” saad niya.