Matindi ang tawag ng musika kaya’t hindi na nakapagpigil pa ang isang babae na magpakitang gilas sa publiko nang dumaan ang isang banda. Kaya lang ay buntis siya!
Ibinahagi ni Sharmaine Federizo sa kanyang Facebook account nitong January 23 ang video ng isang buntis habang nagme-majorette performance ito sa gitna ng kalsada.
“ATE YUNG BATA! HHAHAHAHAHA” ang caption ni Sharmaine sa video clip. Kapansin-pansin namang malaki na rin ang tiyan ng ginang.

Makikitang hawak ng babae ang dalawang baton at nagme-majorette moves ito sa saliw ng tugtog ng banda. Halatang na-miss ni ate ang kanyang majorette days ah! Ang galing niya!
Maririnig sa video ang hiyawan ng mga tao at may mga sumisigaw pa ng “Ate ang bata!”. Maliksi kasi at ‘bouncy’ ang ‘da moves’ ng babae kaya’t hindi maiwasang mag-alala ng ibang nanonood sa kanya.

Ang buntis ay nakilalang si Nicole Caimoy Marbella na isa palang dating lead majorette. Siya ay taga Tanay Rizal at nagdaraos ng pista sa kanilang lugar noong Linggo.
Instant celebrity
Humakot agad ang naturang video ng mahigit 13k reactions at may halos 700K views na sa Facebook clip pa lang.

Marami ang naaliw at mayroon din namang nabahala sa pag-indak ng ginang. Baka daw kasi ito mapaanak nang wala sa oras.
“Hooyyyu. Nicoleeeeee… Uwi.. Makukurot kita jan.”
“Ako lang ba yung kinakabahan kasi baka matamaan tyan nya haha.”
“Pag passion mo talaga kahit ilang dekada ang lilipas pag nagawa mo uli ang saya ng feeling parang ako passion ko sumayaw dito ko na lang sa TikTok nilabas.”
“Galing ni ate.”
“When mommy is life but majorette is lifer.”
“Tapo paglabas nung baby nag mamajorette na rin HAHAHAHAHHAH cotton buds hawak n’ya.”
“ay Bongga hehehehh dating majoret ata.”
May mga naka-miss din noong panahon na nagma-majorette pa sila. “Yung laking Banda ka nakakamiss to nung Elem/highschool.”
Naalala ko nung nag majoritte din ako during my teenage ang saya saya lalo na kapag naka uniform na kami at nagpaparade”.
Panoorin ang video: