Tanong ni Mister: Kailangan bang i-post pa sa social media ang LQ ng mag-asawa?

Kapag pumasok ka sa isang relayon talagang hindi maiiwasan na minsan ay magkakaroon ng iba’t-ibang klaseng pagsubok at problema sa pagitan ng mag-asawa.

Sa post ng Daddy Diares PH sa Facebook ay may ibinahagi silang katanungan para sa couples. “Tama bang gamitin ang Social media para i-post ang away niyong mag-asawa?”

 

Sakop ito ng kanilang Episode 143: “Tamang pag gamit ng social media”

Ayon sa FB post ng page, “Ginagamit mo ba ang Social Media mo para i-post , i-message ang samaan ng loob niyong mag-asawa?

Ang payo ng admin ay “HUWAG.”

Paliwanag niya, “Pag chichismisan lang kayo ng mga tao, pagtatawanan, pag-uusapan. Problema niyong mag-asawa ‘yan. Nilulutas at ginagawaan ng paraan ‘yan. Hindi pinopost o shineshare.

Paano? Naniniwala ako na napag-uusapan ang bagay bagay. It takes 2 to TANGO. Kelangan parehas niyo gusto pag-usapan ang problema.

Hindi lang ‘yung isa ang gusto makipag usap o solusyunan ang mga dapat i-adjust. Meet kayo halfway at pagkatapos nun saka kayo gumawa ng solusyon.

 

Basic ‘yan. Hindi ‘yung gagawin nating labasan ng sama ng loob ang social media ng away na dapat pribado.

Pagtatawanan at tataasan lang kayo ng kilay ng karamihan na makakabasa. Maniwala kayo.

Normal sa mag-asawa ang hindi pagkakaunawaan dahil may differences pero napag uusapan ‘yan para maging isa ang mga desisyon at plano.”

Ayon pa kay Daddy Diares, ang lahat ay napag-uusapan, binibigyan dapat ng oras para malinawan at masolusyunan ang sama ng loob at ang mga hindi pagkakaintindahan.

Sa totoo lang, ang social media ay hindi naman tapunan ng sama ng loob, maparelasyon man iyan o kahit anong patama sa mga taong iyong nakakasamaan ng loob.  Hindi pa rin maganda na ibroadcast ito sa madla.

Marami lamang masasabi sa ‘yo ang mga taong hindi naman alam ang tunay na dahilan at delikadong magawaan ka pa ng kuwento ng mga ‘Marites’.

Tandaan huwag mong gawing buhay ang social media.  Ituring mong pribado ang usaping pampamilya at kailangan mo ng kausap ay gawin ito sa taong iyong nasasandalan – kaibigan man o magulang – upang maibsan ang iyong nararamdaman.

Kahit sa tingin mo’y napakaperpekto ng inyong relasyon, talagang pinagdadaanan ang ‘gusot’,  maliit man ‘yan o malaki. Maging bukas sa mga usapin para malaman ang ugat ng hindi pagkakaunawaan.

Maraming netizens ang sumang-ayon kay Daddy Diares Ph sa magandang payo nito;

“Ang dami ko nga po nakikitang nagpopost ng ganun tapus after few hours/days magpopost ng picture na sweet syempre bilang mga marites mapapaisip hala kakapost lang na nag away sila ganito ganyan haha parang nakakahiya.”

“Useless din para ipost ‘yung away o problemang mag asawa. Bakit pag pinost ba ito sa social media magkakaayos kayo? Masosolusyunan problema niyo? ‘Di din naman eh.”

“Kasiraan ng asawa mo, kasiraan n’yong dalawa”

“Nakakatawa pero totoo. Aminado ako, pero ‘di ko bino-broadcast away namin naka- customize na siya lang ang nakaka-kita.”

Mas mainam kung ang social media ay nagagamit sa mga makabuluhang kuwento at hindi ‘yung puro poot o kaya’t ginagawang basurahan ng mga taong puro ngitngit sa katawan.  Peace lang!

Post a Comment

Previous Post Next Post