Nanghihinayang sina Ogie Diaz at ang kaniyang co-host na si Mama Loi sa sustento umano dapat ni Gretchen Barretto sa kaniyang kapatid na s Claudine na hindi na raw natuloy.
Sa kuwentuhan ng dalawang host sa “Ogie Diaz Showbiz Update” nitong Miyerkules, Enero 19, napag-usapan nila ang tungkol sa magkapatid na Barretto.

Kabilang na rito ang naging ‘hugot’ ni Claudine tungkol sa umano’y ‘panloloko at pandaraya’ sa kaniya ng mga taong itinuring niyang kaibigan at pinagkatiwalaan pa.
Napag-usapan rin nina Ogie at Mama Loi ang pagkandidato ng aktres bilang konsehal sa Olongapo City. Subalit ang mas naging interesting sa mga nanonood ay ang ‘tsika’ hinggil sa naudlot na sustento ni Gretchen sa kaniyang bunsong kapatid.
“Pangalawa mayroong nagtsika sa akin. Dapat pala itong si Claudine ay sinusuportahan na dapat ni Gretchen Barretto. Kaya lang medyo hindi nasunod ‘yung gustong mangyari ni Gretchen na para rin kay Claudine,” paglalahad ni Ogie.
“Kaya lang parang hindi yata ito nasunod ni Claudine at nasuway niya. So sayang ‘yung supposedly P500 thousand a month na supporta ni Gretchen kay Claudine,” patuloy pa ng talent manager.

Nilinaw rin ni Ogie na wala itong kinalaman sa pagiging magkasama nina Claudine at Marjorie noong New Year. Sa unang bahagi pa lamang raw ng 2021 niya narinig ang isyung binabanggit niya.
BASAHIN: Claudine at Marjorie, present sa New Year celebration ng Barretto family, nagkabati na nga ba?
“Kung hindi siguro tumakbo si Claudine, eh malamang nasuportahan siya ni Gretchen ng P500,000 a month,” ayon pa sa showbiz writer/host.
‘’Yung ‘diretso’ lang ang buhay… ‘yun ang narinig natin, ha?” dagdag pa ni Ogie.
Iginiit din ni Ogie Diaz na maaayos pa rin naman ang relasyon ng magkapatid at ‘love’ naman nila ang isa’t-isa.
Kaya lang daw sa ‘checklist’ ni Gretchen na gustong mangyari kay Claudine, mayroong hindi raw nagawa ang huli.
Hindi naman na isiniwalat ni Ogie ang ‘kondisyong’ hinihingi ni Gretchen.
Panoorin ang buong episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update”: