Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga hayop sa buhay nating mga tao. Ang mga hayop ang nagsisilbing kasama, alaga, libangan, at taga-bantay. Tinagurian pa ngang ‘man’s best friend’ ang mga alagang aso sa kadahilanang sila ang hayop na pinakamalapit sa tao at itinuturing rin sila ng karamihan sa atin bilang isang matalik na kaibigan bukod sa kapamilya.
Sa isang video na ibinahagi ng GMA News ay makikitang tila nagdarasal ang mga alagang hayop bago kumain sa Imus, Cavite.
Sa kuha ng fur-daddy na si Fernando Bote Jr., makikita ang kaniyang mga alagang aspin na tila marunong makinig sa dasal.
Sa umpisa ay makikitang nagliligalig ang mga alaga hanggang sa simpleng senyas lamang ng kamay ng amo at pagsabi ng magdasal muna ay agad namang pinangunahan ni Barako at sinundan din siya ng ibang mga aso.
Makikita sa ibang aso na sabik na sabik kumain ngunit sabi nga ng amo nila ‘magdasal’ muna. Hahahaha nakakatuwa naman!
Maya maya pa ay nagbigkas na ng dasal ang amo at tahimik lang ang kanyang mga alaga na animo’y nakikipagdasal bago sunggaban ang kanilang pagkain.
Ayon kay Fernando, una niyang naturuang makinig sa pagdarasal ang 3-year-old na si Barako habang nakahawak sa kaniyang braso at nakayuko. Kinalaunan ay natuto na rin ang iba pa niyang alaga.
Kumpleto raw lagi ang mga ito mula sa kanilang nanay na si Diva, at mga anak na sina Cherry, Barako at ang mga tuta.
“Kada kakain po, habang nagdadasal po si Barako, naghihintay naman po ang iba at pakiwari ko ay nakikinig po sila,” kuwento ni Fernando.

Paraan na rin daw nila ito bilang pasasalamat sa biyayang natatanggap, at kasama raw talaga lagi sa kanilang budget ang pagkain ng mga alagang aso.
“Sana po makapagbigay po kami ng inspirasyon sa lahat po ng mga fur-parents. Mahalin po natin kahit anong lahi pa ang ating mga alaga,” dagdag niya.
Hindi lamang ‘yun. Ibinahagi rin sa FB page na Barako’s friendship na natutulog sila kasama ang kanilang amo sa isang higaan na naghaharutan muna bago gumawa ng antok. Oh ‘di ba pati sa pagtulog sama-sama sila na parang magkakaibigan lang na mag-oovernight!

Nakakatuwa naman na hindi lang tayong mga tao ang natututong manalangin, kundi pati na rin ang ating mga alaga.
Masasabi ngang tunay naman talagang may isip ang mga hayop at ang kanilang paglago ay depende sa kung paano mo sila ituturing at mamahalin.
Tara, panoorin natin sila!

