P50K bounty alok para sa pagkakahuli ng kasambahay ni DOTr Asec. Libiran

May alok na P50,000 ang agency ng kasambahay na diumano’y nagnakaw sa mga alahas at pera ni Department of Transportation (DOTr) Asec. Goddes Hope Libiran.

Ayon sa text message ng Southmaids Agency na ipinadala sa Inquirer, nakikipag-ugnayan na sila sa mga kinauukulan tungkol sa insidente.

Imahe mula sa Facebook| Asec. Libiran

“Our agency Southmaids Agency is now properly coordinating with Asec. Goddes Hope Libiran, [who] is one of our old clients, providing all the necessary documents including the NBI and contacts from the said helper,” ayon sa text message.

Nauna nang inilabas ni Asec. Libiran sa social media ang nangyaring pagnanakaw sa kaniyang mga pera’t alahas ng kaniyang maid na gumamit ng alyas na ‘Marilou Fernandez’ at sinasabing tubong Mangaldan, Pangasinan.

BASAHIN: Opisyal ng DOTr natangayan ng alahas na nagkakahalaga ng P1.2M

“Shout out sa bagong maid ko na nagpaalam lang na bibili ng bawang at sibuyas sa labas kaninang 1:30PM, pero hindi na bumalik!” ani Libiran sa kaniyang Facebook post.

Screenshot mula sa Facebook| Asec. Libiran

“To my friends in the NBI and the Police Force, please help me find this person. To the agency, may pananagutan kayo dito. Exhaust all efforts to find this person,” dagdag pa ng opisyal.

Dahil dito, naglabas ng reward ang Southmaids Agency para sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ng naturang maid.

“We will also give a 50k reward for the people who can show her to us, we will not tolerate this as a licensed agency,” pahayag ng agency.

Screenshot mula sa Facebook| Asec. Libiran

Samantala, nagpasalamat naman si Libiran sa lahat ng nakisimpatiya sa kanilang pamilya matapos ang hindi magandang karanasan.

Aniya, nawa ay magsilbi itong paalala sa lahat ng mga nanay na huwag ipagsawalang-bahala maging ang pinakamaliit na detalye sa pagkuha ng mga kasambahay. Mas mabuti umanong magsagawa ng background check bago sila tanggapin.

“I posted my experience to serve as a warning to other people. Kahit galing pa sa agency ang helper, ipa-background check ninyo nang maigi,” paalala ng DOTr official.

Post a Comment

Previous Post Next Post