Remember that AGT girl who went viral years ago dahil sa husay niya sa pag-awit? Siya si Gerphil Geraldine Flores, na ngayon ay isa nang happy Mom at wife. It’s an extra Happy New Year for her!
Ikinasal ang Asia’s Got Talent second runner-up (2015) na si Geraldine Flores (31 anyos), isang German-Filipino singer o mas kilala bilang ‘Asia’s Golden Girl’, kay Brad Libanan noong Hulyo 21, 2019 sa Manila Cathedral.

Imahe mula sa Google
Nagbunga na ang kanilang pagmamahalan kaya naman ibinahagi ng AGT singer sa kanyang Instagram account nitong Linggo, Enero 09, 2022 ang litrato kasama ang bagong silang nilang panganay ng kanyang mister.
Hindi maikakaila sa kanyang mga mata ang labis na saya nang buhat-buhat na niya ang anak sa kanyang mga bisig.

Imahe mula sa Instagram | Gerphil Geraldine Flores
Sinabi rin niya na magsisimula ang kanyang 2022 sa bagong chapter ng kanyang buhay.
“Starting the year 2022 with a new chapter in my life,” ani Geraldine.
Sa kanyang caption ay nagpapasalamat silang mag-asawa dahil nagkaroon sila ng ‘bundle of joy’ at may kasama pang #Babyboy.
“My husband and I are thankful and blessed to have our little bundle of joy. Thank you Lord! #BabyBoy,” ani Geraldine.
Maraming netizen ang natuwa at nag-congratulate sa kanilang mag-asawa.
Isa rin sa nag-comment si Nelson Canlas, isang Senior News Correspondent ng GMA Network.
“Congratulations Gerphil and Brad. This made me really happy,” tuwang sabi ni Nelson.
Meron namang umaasa na sana ay mamana ng baby ang boses ng ina.

Imahe mula sa Youtube