Kasunod ng paghahayag ni Kris Aquino tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ng boyfriend na si Mel Sarmiento, ang dating kalihim ng Department of Interior and Local Government, ay inulan ng mensahe ng pagsuporta at pagmamahal ang social media post niya.

Image from Kris Aquino
Kamakailan lang ay isiniwalat ni Kris sa kanyang social media followers ang hiwalayan nila ni Mel.
Sa pamamagitan ng isang post sa kanyang Instagram account, inihayag ni Kris ang dahilan kung bakit wala nang makikita pang bakas ni Mel sa kanyang social media accounts.
Aniya, sa kabila ng estado ng kalusugan niya ay pinipili niyang ipabatid sa mga nagtatanong kung ano ang kinahinatnan ng relasyon nila para tuluyan na rin niyang maisara nang matiwasay ang kanilang kabanata.
“Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag-usapan pa ang kanyang paghihiwalay? But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health because my sons still need me, Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in three years, three months, and 16 days, I must end this chapter,” pagbabahagi ng Queen of All Media.
Ibinahagi rin ni Kris ang huling mensahe sa kanya ni Mel na nagsabing tinatanggap niya ang alok ni Kris na maghiwalay na sila.

IMage from Kris Aquino
“For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don’t get COVID is an enormous responsibility. Given my nature, who loves to go out, I accept the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble. On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you that brought about my going out of the bubble. I will always cherish in my heart the happy moments we had together,” saad ng menshae ni Mel sa nobyang si Kris.
Narito naman ang ilan sa mga mensahe kay Kris ng mga kaibigang nagmamahal sa kanya:
