Isang mensahe mula sa marami niyang followers ang ibinahagi ng aktres na si Rica Peralejo sa kanyang Instagram account noong unang araw ng 2022.
Isang pasasalamat ang mensahe ng tagahanga niya. Sabi ng aktres, isa lamang iyon sa maraming katulad na mensahe na natanggap niya.

Image from Rica Peralejo
Ayon sa mensahe, si Rica daw ang isa sa naging role models niya noong taong 2021. Ipinagpasalamat ng tagahanga ang ginagawa ng aktres na pagbabahagi tungkol sa kanyang buhay, kahit iyon ay tungkol sa kanyang imperpeksyon.
At sa tuwing nalalampasan ni Rica ang anumang problema, pakiramdam daw ng tagahanga ay kaya rin niyang gawin ang nagawa ng iniidolo.
“You became one of my role models last 2021. Thank you for sharing a piece of you with us, imperfections and all. Evertytime youy overcome a hurdle, I feel like I can do it, too. So I an thankful for you. Happy New Year Boni’s,” saad ng mensahe ng tagahanga ni Rica.
Sabi ni Rica, hindi naman sa pagmamayabang ang pag-post niya sa naturang mensahe, nais lang daw niyang ibahagi ang mga bagay na nagpaluha sa kanya simula pa noong New Year’s Eve.
Aniya, isa lang ang mensaheng ipinost niya mula sa marami na natanggap niya sa kanyang Instagram account na nagpapasalamat na siya ay naging bahagi ng kanilang 2021.

Image from Rica Peralejo
“It is the nth message I have received from someone on my IG saying thank you to me for being apart of their 2021. The common thread to them all is that by merely sharing my story, my struggles, they feel like they were able to somehow endure theirs, as well,” paliwanag ni Rica.
“When I shared my story, of course I did it to help others. But largely because I needed an articulation for what really happened and also for the kind of reframing that helps me in my healing process,” sabi pa niya.
Sa buong buhay raw niya bilang isang celebrity ay walang tumawag sa kanya na siya ay “inspiring.” Kaya ipinagpasalamat niya na tinawag siyang inspiring ng kanyang mga followers sa social media.
“In my entire life as a celeb I had not once been called ‘inspiring.’ This year, ang dami nyong tumawag sa ‘kin nun. I realized kaya kayo na-inspire sa ‘kin kasi kung kaya ng isang imperfect na taong katulad ko eh di sure na kaya n’yo din HAHAHAHAHA! But really, salamat sa tiwala. I treasure this.”
Narito ang buong IG post ni Rica:

Screenshot of Rica Peralejo’s IG message