Tanong ng netizens: Kaya bang i-cancel ng mga ayaw kay BBM ang Jollibee?

Alam n’yo ba ang “cancel culture” na madalas natin ngayong naririnig?

Ito ang mass withdrawal of support sa isang personalidad o establisimyento na may nagawang hindi katanggap-tanggap.

Makikita dito sa Pilipinas ang cancel culture ngayong panahon ng eleksyon na ang kadalasang pinupuntirya ay ang mga negosyong nagpapakita ng pagkiling sa isang partikular na kandidato o kaya ay ang mismong kandidato na pinaniniwalaang hindi karapat-dapat.

May pagkakataon din na kahit hindi naman ine-endorso ang kandidato, pero nakita ang larawan nito sa naturang negosyo, ay kinakansel o  gusto na rin itong i-boycott ng grupo na ayaw sa kandidato.

Ganito ngayon ang katanungan ng maraming netizens tungkol sa dalawang larawan ni Bongbong Marcos (BBM) kasama si Jollibee: Ika-cancel ba ng mga grupong ayaw kay BBM ang Jollibee?

Ito ay matapos mag-viral ang post ng Facebook account na Xia Xi Xeng ABL – Anyone But Leni tungkol sa larawan ni BBM kasama si Jollibee.

“Humanda ka Jollibee…Hahaha.”

Ishinare naman ito ng netizen na si Krizette Laureta Chu, na isa umanong writer sa Manila Bulletin. Nilagyan niya ito ng caption na “Nangangamoy boycott.”

Iba-iba ang naging opinyon ng mga nagkomento sa naturang post. Ang mga ayaw kay BBM ay nagsabing ibo-boycott nila ang Jolibee. May nagsasabi naman na kahit i-boycott ng mga ito ang Jollibee ay hindi  naman ito gaanong maaapektuhan dahil kakaunti lang daw ang ayaw kay BBM.

Ganito rin ang tema ng post ng dating broadcaster na si Jay Sonza.

Tungkol naman ito sa panawagan ng isang babaeng netizen na i-boycott ang dalawang bus companies dahil nakakabit sa mga bus ng mga ito ang ads sticker ng kandidatura ni BBM.

Narito ang reaksyon ni Jay Sonza sa panawagan ng netizen na i-boycott ang JAM at JAC Liners:

The ‘cancel culture’ boomerang! Natatawa ako doon sa isang nanawagan ng ‘cancel’ sa JAC AT JAM Liners dahil sa Ads Sticker sa bus ng BBM-SARA Uniteam. Kamukat-mukat mo, iyon lang pala ang mga bus na nadaan sa kanila, pauwi at papuntang Metro Manila araw-araw. O siya, Ineng, simulan mo na ang practice ng paglalakad papunta sa trabaho at pauwi galing ng NCR.”

Post a Comment

Previous Post Next Post