Kinagiliwan ng maraming social media users ang then-and-now post ng young actor na si Mavy Legaspi, anak ng celebrity couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Vilarroel, kung saan makikita ang isang childhood photo niya suot ang Spider-Man costume at ang recreated version ng larawang ito.
Sa Instagram, ibinahagi ng aktor na nagdiwang ng 21st birthday kamakailan ang mga nasabing litrato kalakip ang short caption para sa kanyang kaarawan.
“21. Happier, stronger, more determined, and still in my spidey suit,” aniya.
Makikita sa unang larawan ang cute na cute na childhood photo niya habang nakasuot ng Spiderman costume at mayroon pang nakapintang imahe ng sikat na superhero sa kanyang mukha.

Ang ikalawang larawan naman ay ang recreated version ng photo kung saan makikita siyang nakaupo rin at ginagaya ang facial experssion niya noong bata pa.

Napuno ng mga pagbati at mensahe ng pagmamahal ang nasabing then and now post ni Mavy. Samantala, sa Instagram ng kanyang ama na si Zoren ay nagbahagi rin ito ng throwback pictures nila ng kanyang kakambal na si Cassy Legaspi, na ngayon ay pinasok na rin ang mundo ng showbiz.
“Happy birthday, @cassy and @mavylegaspi, our super twins. May all the stars align for both of you to reach the ultimate goal in life…which is HAPPINESS,” saad ng aktor sa caption ng litratrong kuha mula sa isang lumang photoshoot kung saan bata-bata pa kambal.

Si Carmina naman ay nagbahagi ng clips mula sa recent dance cover ng mga anak.
“Have you seen their dance cover?” tanong ng aktres sa kanyang followers. “Please check it out on Cassy’s YouTube.”
“Sooo proud of you, guys!” sabi niya sa dalawa. “Congrats, @cassy and @mavylegaspi. One proud momma here. Happy birthday, twins! I love you, guys, so much!”
