Paano mo masasabi na suwerte ka? Kapag ipinanganak ka bang may kakaiba sa iyong katawan?
Katulad na lamang ng ibinahaging kuwento ng KMJS o ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) kung saan ay may sanggol umanong ipinanganak sa Bulacan na may kumpol nang puting buhok sa taas ng kanyangg noo.
Isa nga namang nakamamanghang pangyayari kapag may kakaiba sa iyong isinilang na anak, katulad na lamang ng nangyari kay Lilibeth.

Imahe mula sa KMJS
Si Lilibeth ang ina na nagluwal ng sanggol na mayroong kumpol na puting buhok sa kanyang ulo.
Sa post ng programang KMJS sinabi niya na “Bagong Taon po ako nanganak. Nu’ng nakita ko po si baby, nagulat po ako! May kumpol kasi siya na puting buhok sa harap! Sa limang anak ko, siya lang ‘yung ipinanganak ko na may puti sa buhok. Ang sinasabi ng iba, suwerte raw iyon! May nakapagsabi sa amin ‘yung puting buhok daw po ng anak ko, ‘tala’ , Siya raw ang magbibigay sa amin ng suwerte na makakaangat sa buhay namin!” ani Lilibeth.
Narito ang ilang mga komento ng netizens sa post na mayroon nang 440k react at 31k shares:
Marami ang nagsasasabi na baka stressed lamang daw ang ina kaya nagkaroon ng kumpol na puting buhok ang anak nang ipinagbubuntis pa lamang ito. “Melanin imbalance’ o vitiligo naman ang opinyon dito ng ilang netizens.

Imahe mula sa KMJS
“Vitiligo is a skin condition where melanin pigment lacks although swertehan talaga na mapunta sa noo kasi yung iba sa kamay and even causes low self esteem kasi feel nila kakaiba sila,” saad naman ni C. Palmiano.
May himig pagbibiro naman ang iba. “May lahi yang Mulawin. Magiging tagapagligtas ng mundo laban sa covid 19,” ani R. Otebar.
May iba naman na nagsabing mahilig daw ang ama na maglaro ng ML o ang sikat na laro ngayon na Mobile Legend. “For sure mahilig sa ML tatay at nanay niyan tapos si granger yung favorite hero hahaha,” ani Jan Krisler Da First.
Bakit nga ba nagkaroon ang isang sanggol ng puting buhok?
Maaaring ito ay dahil sa poliosis, na ayon sa Healthline ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay isinilang na may “patch of white or gray hair while otherwise maintaining their natural hair color. It can affect both children and adults. You’ve probably seen people with poliosis in movies, on stage, or on TV.” Si Johnny Depp ay mayroon nito sa karakter niya sa pelikulang “Sweeney Todd.” Ang mang-aawit na si Bonnie Raitt ay ipinanganak ring may ganito.

Imahe mula ugetwellsoon.com
Samantala, ang pagkakaroon ng isang kumpol na puting buhok ay maaaring hindi basehan ng suwerte o malas, ngunit kung ito ay naghahatid ng pag-asa, wala namang masama, ‘di ba? Para sa iyo, may hatid nga bang suwerte o malas ang mayroon nito? Abangan ang buong kuwento ni Lilibeth at ng kanyang anak sa KMJS bukas, Enero 9.