14-year-old girl nakabili ng sariling bahay dahil sa paglalaro ng Mobile Legends

Si Jhewelry Hershey dela Cerna a.k.a Jiji Plays ay isang Mobile Legends gamer kung saan mayroon siyang 217k+ subscribers sa YouTube at mahigit 3.6M followers sa kanyang Facebook page.

Mula lamang sa paglalaro ng Mobile Legends ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay.

Bata pa lamang daw siya ay alam na niya ang kanyang gusto. Simula noong apat na taong gulang pa lamang ay isinasali na siya ng kanyang ina sa mga auditions para mapasama sa mga commercials or shows.

“Lahat ng bahay na tinitingnan, madadaanan namin ‘mama gusto ko ‘yan, mama gusto ko tumira diyan,” kuwento ni Nhicka dela Cerna, ang nanay ni Jiji.

“Kaya parang nakitaan ko po nung maliit pa lang po, is mataas na po talaga ang pangarap niya,” dagdag pa niya.

2018 nang magsimula si Jiji sa paglalaro kung saan tinuruan siya ng kanyang ama na si Pepito, na isa ring Mobile Legends gamer.

“Si Papa ko, napapanood ko siya, nage-ML siya, tas nanonood ako sa kaniya then ayon, nag-download ako tapos tinuruan niya ko,” kuwento ni Jiji.

Kaya naman sinubukan ni Jiji ang pag-i-streaming. Nakikipag-collaborate siya sa ibang mga gamer noong kalagitnaan ng 2020; dahilan upang dumami ang kanyang followers mula 1,200 ay sumibat ito hanggang mahigit 169k.

Nagkaproblema siya sa kanyang social media page at na-unpublish ito. Naisipan na lamang ni Jiji na tumigil na lamang sa pag-i-streaming ngunit ang kanyang mga magulang ang nagbigay inspirasyon sa kanya upang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan.

“Parang malaking bagay na po kasi sakin kahit maliit lang. Laking pasasalamat ko po sa kanila kasi, supportive sila sa’kin,” ani Jiji.

Unti unti ay natututunan na rin niya ang istilo kung paano niya bibigyan ng kasiyahan ang kanyang mga viewers.

“Hindi lang ang mga lalaki ang kayang maging pro, hindi lang mga lalaki ang malalakas maglaro. ‘Yun, yung gusto kong iparating. Kaya ngayon talagang nilalaro ko po siya, inaalam ko po ‘yung mga ganito, ganyan.”

Kuwento rin ni Jiji dahil sa ML ay tumaas daw ang kanyang confidence.  Dahil sa laki ng kanyang traction at earnings, siya na rin umano ang nagbabayad ng sarili niyang tuition fee sa high school.

Ang kanyang pamilya ay handa na ring lumipat sa kanilang bagong bahay sa darating na summer.

Ngunit sa gitna ng kanyang tagumpay bilang isang manlalaro, ang pagiging mapagmahal na anak ang una niyang iniisip.

Panoorin ang buong video na ibinahagi ng Kapuso Network.

Post a Comment

Previous Post Next Post