Larawan ni Ruffa G at Antonio Trillanes IV sa IG, lumikha ng komosyon kaya inalis na lang?

Now you see it, now you don’t ba ang peg? 

Ito ay kaugnay sa ipinost na larawan ng aktres na si Ruffa Gutierrez  sa Instagram kung saan ay pinasalamatan niya ang dating senador na si Antonio Trillanes IV na muling sumusubok makapasok sa nalalapit na halalan. Kalakip nito ang larawan nilang dalawa na parehong nakangiti. Pinabulaanan pa niya ang mga sabi-sabi na hindi umaano ngumingiti si Trillanes.

Aniya sa post, ““Thank you for dropping everything and moving your appointments just to meet me Senator @trillanessonny it’s not true that he doesn’t smile- he was smiling the whole time. Mabuhay po kayo, Sen!”

Sa comment section ay tumugon pa ang senatorial candidate sa mensahe ni Gutierrez at nagpasalamat din ito. Inilarawan pa nito ang aktres bilang ‘one of the most beautiful women of my generation’.

Tugon ni Trillanes, “Thank you, Ms. @iloveruffag. It was a pleasure meeting one of the most beautiful women of my generation. Thank you to my cousin, Ms @bambbifuentes, for facilitating the meeting.” 

Mahilig mag-share ng life updates si Ruffa sa kanyang social media accounts. Bukod sa kanyang mga endorsement, gustong-gusto rin ng dating beauty queen na ipakita ang kanyang mga OOTD at ang kanyang mga travel photos.

Kaya lang, as of writing ay hindi na makikita ang post na iyun (Sorry, this page isn’t available.).  Anyare — ang tanong ng maraming netizens. Sa isang Instagram Story ay nagpaliwanag naman ang aktres.

“To everyone asking what happened to my earlier post… I’m very sorry I had to take it down. My sincere apologies. I didn’t realize it would create quite a commotion. Pasensya na po @trillanessonny at sa lahat,” paghingi rin nito ng paumanhin sa dating senador.

Tila nagdulot ng komosyon ang nasabing ‘meeting’ ng dating senador at ng aktres?

Sa comment section ng naunang post ay may iniwang “RuTri? at tatlong heart emoji ang kasamahan ni Gutierrez na kapwa niya hurado sa It’s Showtime, si Chie Filomeno. Tila may pahaging din umano si Kim Chiu kaugnay sa ‘dahilan’ ng mga ngiti ni Gutierrez na matatagpuan sa IG nito. Hmmm…

Post a Comment

Previous Post Next Post