Hindi pinalampas ni Angelica Panganiban, isang aktres, model, TV host at comedienne, ang isang basher na tinawag siyang “starlet”.
Sa isang tweet ng kanyang basher ay bumwelta si Angelica at sinabing affected daw ito sa ingay ng isang starlet.
“Pero affected ka sa ingay ng isang starlet? Salamat kung [ganoin],” aniya na may kasama pang heart emoticon.
Dahil sa pagtawag nito sa aktres ng starlet ay siya namang inulan ng komento ng mga netizen at ipinagtanggol si Angelica.

Anim na taong gulang pa lang si Angelica ay lumabas na ito sa palabas sa TV, ang ‘Love Note.’ Ang una niyang regular na palabas ay ang 1990s youth-oriented variety show, sa ABS-CBN.
“Excuse me po! Angelica P is a versatile and excellent actress! She started as a child actress and still a star up to now! She does not have to prove herself because she has mark in the industry! Gets mo!!!”
“Child actress pala si Angge. Tas sabihin starlet. Aba iilan lang mga celebrity ang naka survive sa showbiz na nagsimula sa pagiging child actress. ‘Yung iba nga baguhan, tas 5yrs lang wala pa matinong movie. Puro slapstick.”

“Litong lito ako dito. Di ba ang ibig sabihin ng starlet baguhang artista or yung di pa gaanong kilala? Ang TV days pa lang nakikita ko n to eh. So parang di naman accurate yung starlet.”
“Sa araw ata ipinanganak itong si SunWild. Pangalan pa lang e. HAHAHA. Si miss @angelica_114 pa ang tinawag talaga na starlet? Halatang madami siyang inggit sa katawan. Ay oh.”
“Wow Kailan pa starlet si Angelica? Alam ko bata pa lang maingay na pangalan niyan.”

Ayon sa isang netizen, nagpapapansin lamang daw ang basher dahil sa kasikatan ni Angelica.
“Sumasakay at nagpapapansin lang iyan sa kasikatan ng “STARLET.” Gustong sumikat at kumuha ng followers at the expense of the “starlet”. Baka wala pang “work contract” from the farm.”
“Starlet talaga o…affected lang…paano maging starlet Yan…mallit pa may box-office films na.”
Matapos mag-viral ang basher ay agad din niyang binura ang kanyang tweet.