Kim Chiu, sinagot ang netizen kaugnay sa pagiging kabado nito kapag nag-trending

Nag-react ang aktres na si Kim Chiu sa tweet ng isang netizen kung saan sinasabing kinakabahan daw ito kapag trending ang aktres sa kadahilanang baka may kung ano na namang masabi ito sa showtime.

“Kapag trending si Kim Chiu kinakabahan ako baka may kung anu na naman siyang nasabi sa showtime.”

Tumugon naman ang isang netizen dito. Aniya, “Kame din kanina kabado shuta buti na lang fresh siya kanina huhuhu.”

Ni-retweet naman ito ni Kim at tapat niyang sinabi sa caption na “I feel the same”

“Wag ka mag alala sis!!! I FEEL THE SAME!!!!”

Maraming netizens naman ang napatawa at nagbigay suporta sa caption niyang ito.

“Above anything else, I love your perseverance @prinsesachinita Keep trying and striving!”

“Hahaha natutuwa talaga ako sayo ateh @prinsesachinita… bukas sa Eviction Ms. Kim Chiu beke nemen.”

“Go ate Kim, let be positive reactions pabayaan mo yan sila. Kala mo naman nila ampe-perfect na.”

Matatandaang nitong nagdaang Enero lamang nang mag-trending ang aktres hinggil sa ‘maingay na pusa” dahilan upang siya ay mabatikos ng mga netizen.

“Nakakainis ‘yun ‘no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay,” ani Kim sa segment na ‘Madlang Pi-Poll’.

Samantala, kamakailan lamang ay nag-trending si Kim sa Twitter matapos nitong bumalik sa ‘Pinoy Big Brother’ bilang isa sa mga host. Sumunod dito ay naghayag naman ito sa kanyang Instagram account ng taos-pusong pasasalamat.

“Last night was memorable! Thank you Lord God for guiding us. Maraming salamat sa lahat ng sumusupporta at patuloy na sumusuporta sa kwento ng totoong buhay @pbbabscbntv.”

“We all did it THE KAPAMILYA WAY! I will be forever grateful to this house, to the team behind PBB, to my co-hosts salamat sa pag guide kagabi ate @iamsuperbianca @iamrobidomingo sa mga advice and miga @mrandmrsfrancisco @mr_enchongdee sa pag practice nyo sa akin ng talk to housemates!!! Grabe surreal experience yun. “

“First time. I hope I made KUYA proud after 16 years. Sa buong team ng PBB maraming salamat. #gratitude #love #respect #KAPAMILYA andito tayo para sa isa’t isa.”

BASAHIN: Kim Chiu muling nag-sorry sa animal lovers dahil sa viral comment hinggil sa ‘maingay na pusa’

Post a Comment

Previous Post Next Post