Angeline Quinto ipinasilip ang kanyang non-showbiz boyfriend sa unang pagkakataon

Ginawang mas extra special ng aktres at singer na si Angeline Quinto ang kanyang maternity shoot. Sa unang pagkakataon ay ipinasilip niya ang isang larawan na kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa kanyang Instagram post ay ipinarating niya ang mensahe kaugnay sa kanyang bagong-upload na vlog na may larawan niya, ng kanyang baby bump, at ng kanyang partner.

“Hello Mga ka twinkle, for today’s vlog gagawin ko ang who knows me better kasama ang Team AQ. Syempre, ipapasilip ko din sainyo ang aking maternity shoot,” ani Angge.

“Sana ma enjoy niyo tong vlog na to. Don’t forget to subscribe like and share and comment down below ano pa mga gusto niyo makita sa channel ko. Labyu mga Ka Twinkle.”

Sa huling bahagi ng kanyang Who Knows Me Better vlog na inilabas nitong Biyernes ay may isang maikling vid clip ng paghalik ng nobyo sa kanyang noo.

Nagbahagi rin siya sa kanyang IG na masaya sa pakiramdam ang maging isang ina lalo na kapag naranasan mo na ito. “My Maternity shoot Napakasarap sa pakiramdam na maranasan lahat ito. Lalo kasama ang mga taong malapit sa puso ko.”

 

Basahin: It’s a boy: Vice Ganda naghanda ng gender reveal party para kay Angeline Quinto

Kamakailan sa vlog ng It’s Showtime host na si Vice Ganda, ibinahagi niya ang inihandang gender reveal party para sa kaibigan. Lalaki ang ipinagbubuntis ngayon ng Kapamilya singer.

Sa kaniyang Instagram post naman, masayang ibinahagi ng singer ang kaniyang good news. “ITS A BOY!!! Sa wakas mai-she-share ko na rin sa inyong lahat ang gender ng aking baby,” aniya.

“Siyempre, masaya pa rin ako. Masayang masaya ako, pero hindi ko inexpect talaga na lalaki. Ang buong pag-aakala ko, babae talaga,” aniya.

Nagpasalamat din siya sa pamilya ni Vice na nag-organize ng gender reveal party para sa kaniya. “Guys, nakita n’yo itong moment na ‘to. Nagpapasalamat ako sa Viceral family. Alam ko na kahit wala ako sa Pilipinas, may magpapaaral sa anak ko,” biro niya.

Basahin: ‘Magiging nanay na rin ako’: Angeline Quinto umaming nagdadalantao

Makisaya sa mom-to-be!

Post a Comment

Previous Post Next Post