Asong lakwatsero, marunong pumara ng tricycle at umuwing mag-isa sa kanyang amo

May aso ka bang mahilig gumala kung saan-saan? Sabi ng karamihan kapag ang aso daw ay gustong umalis ng bahay ng kanilang amo, malamang ay gusto raw nitong maghanap ng ‘romance’.

Nag-viral ang isang aso matapos i-post ng may-ari sa social media ang mga video nito ng paghi-hitchhike sa mga dumaraang tricycle.

Ayon kay Jamie Ann Purificacion Leis, ang pangalan ng kanilang aso ay “Lycan.”  Gusto lang daw nitong mag-‘adventure’ sa tuwing lumalabas ito ng kanilang bahay.

“Gusto niya lang po [talagang] gumala, kung saan saan po siya nakakarating,” aniya.

Kalaunan, natutunan ni Lycan kung paano sumakay sa isang tricycle para gumala at na nakagawian na rin niyang ito para makabalik sa bahay ni Leis.

“Nakikita niya po kasi [ito] sa mama ko everyday ‘pag umaalis. Hinaharang naman po niya ‘yung driver. Simula po noong nakasakay na siya sa tricycle, natutunan niya na po na malayo ang nararating nya nang hindi sya napapagod.”

Tinanong si Leis tungkol sa dahilan kung bakit gumagala si Lycan, at sinabi niya na ang kanyang aso ay madalas na naghahanap ng mga babaeng aso. Minsnan ay nag-uwi pa daw ito ng aso sa kanilang bahay.

Marami namang netizens ang natuwa ngunit may paalala din sila dahil marami nang kaso ng pagkawala ng alagang aso dahil sa pagala-gala ito kung saan saan.

“Nakakatuwa namn. Pero ingatan din po for his safety wag po maging kampante. Parang un nag viral din na dog, kilala din sa lugar nila daily routine nya lalabas mag-isa. Naging kampante ang owner, ayun pinatay. Ang masakit tanod pa sa barangay nila ang may sala.”

“Naku konte ingat poh kay doggie kc dami halang ang bituka ngaun! pag pera at kalam ng sikmura ang umiral sa mga taong demonyo walang sinasanto yn! kea ingatan natin c doggie!”

“It might look cute at first pero safety wise laki ng risk madisgrasya si doggie kapag makatagpo ng di mabait sa aso na driver. Please be a more responsible owner.”

“Baka mahuli ng pound sana sa loob na lang siya ng bahay hindi papalabasin.”

Post a Comment

Previous Post Next Post