Cong TV at Viy Cortez gender reveal: Is it a 'Little Cong' or a "Little Viy"?

Ang magkasintahan ay mahigit anim na taon nang magkasama. Noong Disyembre 2020, sa vlog ni Viy ay inamin niyang nawalan sila ni Cong ng anak nang ipinagbubuntis pa lamang niya ito.

Makalipas ang isang taon, Disyembre 2021, ay inanunsyo ni Viy sa kanyang vlog na magkakaroon ulit sila ni Cong ng isa pang baby.

Ayon kay Viy, kahit anong gender daw ng magiging anak nila ay ok lang sa kanila. Samantala, mas gusto daw ni Cong na lalaki ang magiging anak nila para makasama niya ito sa kanyang paglalaro ng online games at pagba-basketball.

Matapos ang maraming yugto sa kanilang buhay ay eto na nga at nagpa-gender reveal  sila kamakailan. Mayroon itong tinatawag na blue (boy) or pink (girl) gender reveal.

Sobrang saya ng magkasintahan dahil sa wakas ay malalaman na nila ang gender ng kanilang magiging anak.

Ang event ay inorganisa ng eventsbymissp, at kasama ang ilan pang naging bahagi ng event na niceprintphoto, juancarlocaterer, honeyglazecakes, eventstylistdave, donutwallbyhazel, at arvinemcee.

Sa vlog ng magkasintahan, nabunyag ang naging kasarian ng kanilang anak sa pamamagitan ng usok na ipinalabas mula sa isang helicopter.

Hindi napigilan ni Cong ang sobrang saya nang makita ang kulay blue na usok, kaya napatakbo ito sa saya.

“Nawala na ako sa sarili. Team boy talaga ako eh,” aniya.

Masaya ang magkasintahan sa naging ‘gender reveal’ nila at magkakaroon na ng lalaki sa kanilang pamilya.

“Hindi ko alam. Kaya ako naiyak kasi inaasahan ko talaga, boy. Ina-attract ko talaga boy kasi puro kami girl sa bahay,” ani Viy.

Nagbigay naman ng mensahe at payo ang kanilang mga magulang sa kanilang tatahaking buhay bilang bagong ina at ama.

Si Lincoln Cortez Velasquez, 33 taong gulang, na mas kilala bilang ‘Cong TV’, ay isang Filipino YouTuber, komedyante, musikero, vlogger at online streamer. Siya ay itinuturing na isa sa mga nangungunang personalidad sa YouTube sa Pilipinas.

Si Cong TV ang founder at leader ng Team Payaman. Sinimulan niya ang kanyang channel sa YouTube noong 2018, at naging sikat siya sa pamamagitan ng kanyang mga parody at comedy video.Kasalukuyang nasa 9.33M ang kanyang subscribers.

Noong 2020, nanalo si Cong ng 3rd place sa Top YouTube PH Creators of 2020. Sa kasalukuyan, isa siya sa mga Tier One Entertainment, isang e-sports at gaming agency.

Si Viy Cortez, 25 taong gulang, na mas kilala bilang ‘Neneng lamig’, ang girlfriend ni Cong TV. Bukod sa pagiging vlogger, isa rin siyang entrepreneur na nagmamay-ari ng maraming negosyo.

Noong 2020, ay isa siya sa napabilang sa top YouTube celebrities sa Pilipinas na kasalukuyang may 5.41M subscribers.

PANOORIN:

Post a Comment

Previous Post Next Post