Ella Cruz, ibinahagi na pinakamagulong parte ng buhay niya ang kaniyang high school years

Ayon kay Ella Cruz ay biktima daw siya ng bullying noong nag-aaral pa siya ng high school sa hometown niya sa Bulacan.

Ikinuwento niya ito sa digital presscon ng ‘The Seniors’ noong Lunes ng gabi, Pebrero 21, 2022.

Itinuturing ni Ella na isa sa pinakamagulong parte ng buhay niya ang kaniyang high school years.

“To be honest, ‘yung high school talaga ang pinakamagulo na parte ng buhay ko, isa sa mga magulong parte ng buhay, kasi dun ko na-experience na ma-bully ako. Siguro kung magtatanong kayo kung ano po ‘yung mga na-bully sa akin, ‘yung isa is maliit ako,” pagsisimula niya.

“Tapos, laos na artista raw ako kapag wala akong projects, sinasabihan ako ng mga ganoon.”

Sinisiraan pa raw siya ng kaniyang mga classmate noon dahil binabayaran raw niya ang kaniyang mga teacher kaya daw siya nakakapasa.

“Sinasabi nila na nakakapasa lang kasi binabayaran ko raw ‘yung mga teacher dahil lagi akong absent.”

Mayroon din daw pangyayari na kinorner siya at biglang sinampal nang walang dahilan.

“One time, I’m just walking sa hallway, biglang kinorner po ako ng mga kaklase tapos bigla nila akong sinampal, out of nowhere, na walang reason talaga. Na-experience ko po ‘yun.”

Nang tumuntong si Ella ng fourth year high school, lumipat siya sa isang eskuwelahan sa Quezon City.

Nagpapasalamat naman siya dahil maganda raw ang naging trato sa kaniya ng mga kaklase niya roon.

“Thank God, nung senior year ko na, fourth year high school, lumipat ako ng school sa Quezon City.”

“Nag-home study ako dahil ‘yun ang time na hindi ko na kayang mag-aral nang regular o pumasok nang regular.”

“Dun ko na-meet ‘yung mga tunay na kaibigan ko, ‘yung friends for life. Sila talaga ‘yung maaasahan mo through ups and downs.”

“Dito sa Bulacan, wala akong friends. Pero ‘yung naging friends ko sa Quezon City, they didn’t care na artista ako.”

“Until now, nagtutulungan kami sa mga business,” pagtatapos ni Ella.

Ang ‘The Seniors’ ay tungkol sa apat na estudyante sa isang provincial public high school, na kailangang harapin ang mga problema sa buhay at pag-ibig sa kanilang huling taon sa high school.

Ito ay pinagbibidahan nina Julia Barretto, Ella Cruz, Andrea Babierra at Awra Briguela sa ilalim ng direksyon ni Shaira Advincula-Antonio at magsisimula ang streaming nito online sa Marso 20, sa VIVAMAX Philippines.

Tara! Panoorin natin ang trailer!

Post a Comment

Previous Post Next Post