Dinadayo ang isang karinderya sa San Jose del Monte, Bulacan kung saan kumain ang young actor na si Joshua Garcia habang nagte-taping.
Todo-flex naman ang Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery sa pagkain nina Joshua Garcia at Jeffrey Santos sa kanilang establisimyento.
“Joshua Garcia and Jeffrey Santos kahit sila nasarapan sa AJ bagnet plain rice,” ayon sa Lugaw-Pares eatery.
“At ang kutsara na ginamit ni Josh naitabi pa po namin. Kaya tara na island talipapa palmera 588b sjdm. 24hrs po kami,” dagdag nito.

“Binebenta po namin ang pinagkainan nya hahaha,” hirit pa ng karinderya.
Pinagkaguluhan naman ito ng mga netizens sa comments section at tila hinahanap ang ginamit na plato at kutsara ni Joshua.
“Isama n’yo rin sa pagbenta ung lamesa at pinag-upuan nila o ‘di kaya pati tindahan n’yo isama n’yo na rin..para masulit na.”
“Isama n’yo na pati ang toothpick, table napkin at straw na ginamit nya. At ibalot nu na rin mga tirang pagkain na ‘di naubos at mga buto2x. Sayang p ‘yun, pweding ilaminate un.”

“Sana rumaket muna ako staff ninyo kahit walang bayad lagi ako bumibili sa inyo bakit nung nand’yan s’ya hindi ko naisip. Napaka daya ng tadhana.”
Netong Enero 23 ay nag-post ang karinderya ng bagong update. “ok na po naka bidding na po ang kutsara at pingggan nya.”
Kasalukuyan namang pinaghahandaan na nila Joshua Garcia at iba pang cast ng ‘Darna’ ang kanilang taping kung saan agaw-eksena ang aktor sa tuwing sila ay may shooting.
Si Joshua ay gaganap bilang isang pulis na nagngangalang Brian Samonte Robles sa seryeng idinirek ni Chito Rono kung saan siya ang leading man ni Jane De Leon sa nasabing serye.

Ang serye ay inanunsyo noong Disyembre 4, 2020, matapos ang pagkansela ng Darna movie project ng Star Cinema noong Agosto 2020 dahil sa patuloy na COVID-19 pandemic sa Pilipinas.
Ito raw ang itinuturing na pinakamalaking proyekto ng ABS-CBN para sa 2022. Ang nasabing serye ay pagbibidahan nina Jane de Leon, Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, at Janella Salvador.
Nakatakda namang ipalabas ang serye sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at The Filipino Channel ngayong 2022.