Enrique Gil kay Liza Soberano: ‘Forever and always’

“Forever and always” ang ibinahaging pagbati ni Enrique Gil sa Araw ng mga Puso para sa kanyang long-time girlfriend na si Liza Soberano noong Lunes.

Sa Instagram, ibinahagi ni Enrique ang larawan ni Liza na may hawak na bouquet of roses sa kanilang date at may kalakip na matamis na mensahe.

“To my gorgeous and only valentine, this is your night my love. Happy Valentine’s Day. I love you forever and always,” sweet na mensahe ng aktor.

Ibinahagi at ni-repost naman ni Liza ang post ng nobyo sa pamamagitan ng Instagram Stories.

Pitong taon nang magkasintahan ang Kapamilya stars na sina Liza at Enrique. Ang tindi, ‘di ba! Grabe, ang tagal na rin pala nilang magkasintahan!

Pagdating naman sa usaping pagse-settle down ay napag-usapan naman na daw nila iyon.

Ayon kay Enrique sa isang panayam noong Oktubre 2021, “Of course, we want to take it step by step. That’s why we’re getting into business muna. We are thinking about the future, but we have to concentrate on now.”

Noong nakaraang taon, naglunsad ang magkasintahan ng kanilang negosyo, ang HKT Essentials, na hanggang ngayon ay nag-o-offer ng abot-kayang rubbing alcohol.

“We just want to make sure that when we have our own family, we’re comfortable. Basta we can live comfortably, we’re fine,” paliwanag ni Enrique.

Basahin: PH adaptation ng ‘It’s Okay to Not Be Okay’, pagbibidahan nina Liza Soberano, Enrique Gil?

Kamakailan ay naging usap-usapan na bibida ang Kapamilya love team na sina Liza Soberano at Enrique Gil – na mas kilala bilang #LizQuen – sa Filipino adaptation ng hit na K-drama na It’s Okay To Not Be Okay.

Ibinahagi ng entertainment page na Kapamilya Online World ang balitang diumano’y magkakaroon ng PH adaptation ang sikat na K-Drama series at ang napipisil ay ang LizQuen bilang mga pangunahing tauhan dito.

Wala pang opisyal na anunsyo mula sa pamunuan ng ABS-CBN tungkol sa proyekto.

Post a Comment

Previous Post Next Post