Spotted: Aljur at AJ magkasama sa Araw ng mga Puso

Magkasama sa isang hotel sa Leyte ang aktor na si Aljur Abrenica at ang aktres sa si AJ Raval sa Araw ng mga Puso.

aljur aj

Sa post ng Facebook page na Haiyan Hotel and Resort, makikita ang mga litrato ng dalawa na pansamantalang nanatili sa nasabing lugar sa Tanauan, Leyte. Pinasalamatan sila ng team sa kanilang pagpili at pagbisita sa resort.

“Cheers to Aljur Abrenica and Aj Raval! General Manager Resty Vidad, thanking the two celebrities for the visit here @ Haiyan Hotel and Resort,” saad sa caption ng mga litrato.

May mga litrato rin ang dalawa kasama ang mismong chief executive officer ng Haiyan.

aljur aj

Aljur at AJ

Oktubre noong nakaraang taon nang iulat ng PEP.ph ang pag-amin ni AJ na nanliligaw sa kanya si Aljur at mayroon silang magandang pagkakaunawaan. Aniya, “Totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. ‘Di na ako magsisinungaling, ‘di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami…,nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other, pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know.”

Samantala, noong Disyembre ay nilinaw ni AJ na wala silang relasyon at kapwa may mga kailangan pang unahin at isaalang-alang.

“Si Aljur po, wala naman po kaming relasyon ni Aljur. Never naman po naming sinabi na may relasyon kami ni AJ at nag uusap lang naman po kami. Wala po kaming relasyon. Sarado na rin naman po ’yon. Nasabi na rin po nilang dalawa ’yong mga gusto nilang sabihin. Sa akin naman po, parang lesson na lang po ’yong nangyari. Marami po akong realization. Also, I think it’s part of the process of growing in showbiz. Sa nangyari po na ’yon mas naging responsible po ako sa mga sini-share at pino-post ko dahil hindi po lahat maiintindihan or pipiliin unawain ’yong sitwasyon ng iba,” wika niya.

“Sa ngayon, parang pareho po kaming may dapat may i-prioritize, may mga problem na dapat unahin… inuuna po namin ’yong mga bagay na ‘yan,” saad pa ng aktres.

aljur aj

Post a Comment

Previous Post Next Post