Francine Diaz glams up para sa fashion magazine na Metro

Nagpapatuloy ang selebrasyon ng 18th birthday ng endorser-aktres na si Francine Diaz sa pamamagitan ng isang cover shoot para sa isang local fashion magazine.

Ang young actress ay nagpatingkad sa mga likha ni Michael Leyva, tulad ng nakikita sa mga post sa social media ng Metro noong Huwebes, Pebrero 17.

“#FrancineDiaz has been acting for seven years out of her eighteen. She knows she still has a long way to go, a million things to learn and do, especially in her job as an actress. For many teen girls, 18 is a milestone—and it surely is one for Francine, too,” nakasaad sa post ng Metro Magazine sa IG.

Sa panayam ng Metro, inamin ni Francine na may naramdaman siyang pressure para patunayan ang sarili sa mundo ngayong 18 years old na siya.

“Minsan nakaka-pressure lang na, ‘O, malaki ka na, ganyan dapat,’ na gusto ko na lang sa Neverland with Peter Pan, para ‘di na ako lalaki,” pabirong sinabi ng aktres.

Habambuhay umano siyang magpapasalamat sa lahat ng kanyang tagumpay na natatamo ngayon. Sinabi rin ng aktres kung paano ang hirap na dinanas nila noon.

“Siguro po kasi dahil sa pinagdaanan din namin dati, alam ko na dapat kung anuman marating mo, kung may makuha ka mang malaking bagay o maliit, dapat humble pa rin and maging grateful,” saad ng aktres.

Kamakailan ay nagdiwang ng 18th birthday ang aktres, “Dropping this new video of our debutante @francinesdiaz pre debut shoot”

Sumikat si Diaz sa kanyang role bilang Cassie Mondragon sa 2018 ABS-CBN afternoon series na “Kadenang Ginto.”

Basahin: ‘E ‘di career na lang muna’: Francine gusto nang mag-boyfriend pero wala naman daw manliligaw

Isa siya sa mga orihinal na miyembro ng Kapamilya teen group na Squad Plus, na tinawag noon na Gold Squad, kasama ang “Kadenang Ginto” co-stars na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, at Kyle Echarri.

Post a Comment

Previous Post Next Post