Kinaaliwan at minahal ng marami si Maybelyn dela Cruz bilang isang nakatutuwang child star sa iconic comedy show na Home Along Da Riles.
Ngunit kung batang-bata pa siya ilang dekada pabalik, ngayon ay isa nang ganap na nanay si Maybelyn at labis niyang ipinagpapasalamat ang kanyang “miracle girl”.

Sa Instagram, isang touching message ang ipinost ng actress-turned-politician para sa kanyang supling na ipinagbuntis niya sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF). Limang taon na ngayon ang anak na aniya ay isang hindi matatawarang biyaya para sa kanilang lahat.
“To my baboo, baba, #mylittlemissolivia, you remain to be mommy’s favorite person. Your signature smile continues to delight everyone around you. Your daddy and I adore your big squeezes, fake laughs and cries, and watching your fiery resilience. You are fearless in your pursuits and love learning new things,” saad niya sa caption ng larawan nila ng kanyang anak.
“We are all better because of you and strive each day to make you feel loved. To hope is to believe and trust. It is a privilege to watch you soar. Keep shining bright, my love. Happy birthday, miracle girl!” pagpapatuloy niya.

Matatandaang ibinahagi noon ni Maybelyn na halos isang dekada silang sumubok magkaroon ng anak at maging sa IVF ay ilang beses na rin silang nabigo. Masayang-masaya raw ang aktres nang sa wakas ay naging buo na ang kanilang pamilya.
“The whole process of IVF is very difficult as you know. It took us nine years to have a baby in our lives. I had six failed IUIs [intrauterine insemination], three failed IVFs. I’m just so very grateful and feel blessed that we were able to meet Dr. Lee. He gave us hope. He made us not give up. He gave us that reassurance that our dream of having a family—a complete family—is still attainable,” pagbabahagi ni Maybelyn noon sa ulat ng PhilStar.
