Ibinahagi ni Bianca Gonzalez ang kanyang saloobin sa EDSA Revolution na nangyari 36 taon na ang nakararaan.
Ayon kay Bianca, ang pagdiriwang ng anibersaryo ng rebolusyon ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng katapatan sa anumang political party.
Sinabi niya na ang pagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA Revolution ay tungkol sa paglaban sa diktadura at pang-aabuso sa pulitika.

Hinimok din ng television host ang publiko na huwag kalimutan ang kalayaang ipinaglaban ng mga taong sangkot sa rebolusyon upang hindi na sila muling magkamali.
Ang EDSA Revolution, na kilala rin bilang People’s Power Revolution, ay isang serye ng mapayapang demonstrasyon sa Pilipinas noong 1986 na humantong sa pagtatapos ng 20-taong diktadura ni Ferdinand Marcos at ang pagpapanumbalik ng demokrasya sa bansa.
“Hindi tungkol sa dilaw, pula o anumang kulay. Kundi tungkol sa pagsasama-sama ng mga Pilipino para wakasan ang diktaturya at pang-aabuso. Wag nating kalimutan ang kalayaang ipinaglaban ng mga nauna sa atin, matuto tayo sa pagkakamali ng nakaraan. #NeverAgain #NeverForget #EDSA36,” ayon sa kanyang post sa FB.

Basahin: Bianca Gonzales muling ipinagmalaki ang pagiging kayumanggi: ’Proud morena hanggang pagtanda’
Kamakailan ay buong puso ipinagmalaki ng aktres ang pagiging kayumanggi ng kaniyang kulay na kahit noon pa man ay madalas niyang ipagtanggol sa mga kumukutya sa kaniyang kutis.
Aniya sa caption, “A #proudmorena noon, ngayon at hanggang pagtanda.”

“Wala po yan sa kulay. Kundi sa pagkatao, yung puso if makatao,” ayon sa isang nagkomento.
“Hindi ‘kawawa’ ang morena. Hindi dehado, hindi lugi, hindi pangit ang maitim kumpara sa maputi. Tama na ang harmful messaging na yan, please,” giit noon ng Kapamilya host sa isang podcast.
Aniya, “All skin tones are beautiful, really.”