Pinagawan ni Ion Perez ng pangarap na kusina ang kaniyang nanay na ayon sa kaniya ay mahilig magluto.
Sa kaniyang vlog, ipinakita ni Ion sa mga viewers ang kaniyang ipinagagawang kusina na medyo may kalakihan at may kaluwangan din na tiyak na magugustuhan ng kaniyang ina.

Dati nang ibinahagi ng boyfriend ni Vice Ganda na lumaki at nabuhay sila noon sa pagtitinda ng mga kakaning niluluto ng kaniyang nanay.
Matagal na umano niyang planong ipagawa ang naturang kusina subalit ngayon lang sila nakatagpo ng gagawa na sakto sa nais niyang disenyo.

Bukod sa pagpapagawa ng kusina, ipinamili na rin ng aktor ng mga gamit ang kaniyang nanay.
Nag-ikot pa sa Pampanga si Ion upang siya mismo ang pumili ng mga appliances gaya ng refrigerator, electric fan, TV, water dispenser at mga ilaw na pawang gagamitin sa itinatayong kitchen.

Nag-absent pa umano siya sa ‘It’s Showtime’ para lamang personal na maipamili ng gamit ang kaniyang pinakamamahal na ina.
Bukod dito, nag-ikot din ang komedyante upang ipamili ng damit ang kaniyang dalawang kapatid.
Dahil kasalukuyan pang itinatayo ang kusina, umaasa si Ion na matatapos ito bago sumapit ang kaarawan ng kaniyang nanay bilang regalo na rin.

Natuwa naman ang mga fans ng aktor at ni Vice Ganda dahil sa pagiging mapagmahal na anak umano ni Ion Perez.
Panoorin ang kaniyang vlog: