Naglabas ng himutok ang aktres-singer-host at komedyanteng si Kakai Bautista kaugnay sa natanggap niyang disconnection notice mula sa Meralco.
Ibinahagi nito ang kanyang hinaing sa nasabing electric power distribution company sa pamamagitan ng isang Instagram story noong Miyerkules, Pebrero 9.
Ayon kay Kakai, natanggap niya ang bill ng kuryente kung kailan malapit na ang petsa ng disconnection.

“Style mo bulok. @meralcoph gusto mo ng pagbabago pero AYAW MONG AYUSIN ang sistema mo. Disconnection notice pag malapit na ang due pagkatapos mag intay na dumating ang bill?” nakasaad sa kanyang IG story.
Prangka ring sinabi ni Kakai sa Meralco, “AYUSIN MO. 2022 na!”
Ibinahagi rin ni Kakai ang larawan ng notice na kanyang natanggap.
Kayo rin ba ay nakararanas ng matagal na pagdating ng bill ng Meralco at kung kailan parating na ang disconnection notice?
Kung natatagalan man kayong maghintay ng inyong bills ay mayroong messenger ang Meralco kung saan mabilis n’yong makikita ang amount sa inyong bill pati na rin ang due date.

Basahin: Kakai Bautista, may paalala sa mga kabataan: “Matuto muna kayong maglaba”
Kamakailan lamang ay nagbahagi ito sa kanyang Facebook wall patungkol sa mga kabataang salaula.
Paalala ng aktres sa mga kabataan na nag-iinarteng adult sa social media na matuto munang maglaba ng underwear: “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA,” aniya.
“Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n’yo,” aniya.

Siya ay kasalukuyang isa sa mga cast ng “First Lady“ ng GMA-7, ang pagpapatuloy ng serye na “First Yaya” sa telebisyon, na nakatakdang ipalabas sa Pebrero 14, 2022.
Matatandaan na nag-viral si Kakai nang kinover niya ang kantang Bakit nga ba mahal kita ng live sa Wish 107.5 Bus noong Pebrero 17, 2017. Mahigit 39M views na ito as of posting.