Pinay transgender ikinasal sa Australian partner siyam na buwan matapos magkakilala sa Tinder

Sa ibang bansa natagpuan ng isang Pinay transgender ang kanyang one true love — isang Australian na nakilala niya sa isang dating app at pinakasalan siya pagkalipas lamang ng siyam na buwan.

Pinay transgender Australian partner

Sa recent episode ng Eat Bulaga, ibinahagi ng Pinay transgender na si Erica Elmasri, isa sa mga naging guest sa segment na Bawal Judgmental, ang love story nila ng kanyang asawang si Danny Elmasri. Dahil tampok noon ang mga Pilipinong happily married sa foreigner, nagkaroon ng pagkakataon si Erica na magbigay ng kilig at inspirasyon sa mga naghahanap at naghihintay sa pagdating ng tunay na pagmamahal.

Kuwento ni Erica, nagkakilala silang dalawa ni Danny sa dating app na Tinder habang siya ay nasa Sydney.

“Nag-meet kami sa Tinder. Student visa ako noon. Nagkakilala kami sa Sydney. So ayon, swipe, swipe, swipe lang,” natatawang wika niya.

Gayunman, ilang buwan lamang simula nang magkakilala at maging magkarelasyon ay kinailangan na rin nilang maghiwalay. Mag-e-expire na kasi ang visa ng tubong Isabela at kailangan na nitong bumalik sa Pilipinas.

Pero hindi sila natinag ng pagsubok na ito. Ang naging solusyon: pinakasalan siya ni Danny para maging permanent resident na siya sa nasabing bansa.

Pinay transgender Australian partner

“Pa-expire ‘yong visa ko, naawa siya sa akin kasi ang tagal ko na sa Australia wala pa akong permanent residence so he offered himself na, ‘I will help you on your visa.’ So isang way kasi dapat magpakasal kami so ayun ginawa namin agad-agad,” aniya.

Lalo raw napatunayan ni Erica na tunay ang pag-ibig sa kanya ng asawang si Danny.

“Mahal niya talaga ako, ayaw niya akong umuwi kaya he wants to keep me for himself,” saad niya.

Wika naman ni Danny, hindi siya nahirapang magdesisyon dahil batid niyang tunay na pag-ibig ang kanyang nadarama.

“She’s nice, she’s beautiful, very caring. When you find the right one, it’s very easy,” sabi ng Australian.

Pinay transgender Australian partner

Sa kasalukuyan ay magkatuwang na pinatatakbo ng mag-asawa ang dalawang restaurant na pag-aari nila.

“We have two restaurants, minsan taga-hugas ng plato, waitress ako minsan, all around,” ani Erica.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post