Kampo ni Dawn Chang, naglabas ng statement kaugnay sa mabigat na alegasyon ni Cristy Fermin

Pagkatapos sabihan ni Cristy Fermin ng mabibigat na alegasyon ang dating PBB housemate na si Dawn Chang tungkol sa ‘pakikipaglandian’ umano  nito sa mga “Boss ng ABS CBN” kapalit ng trabaho ay pinalagan ito ng kampo ng dancer.

Maaaring haharap sa patong-patong na reklamo ang TV host kung hindi babawiin ang mga malisyospng komento kay Dawn noong Biyernes sa Programang Cristy Firminute.

Ibinahagi ni Atty. Rafael Vicente Calinisan sa kanyang Facebook account ang statement laban kay Cristy, “Statement on the Libelous Comment of Cristy Fermin Against Ms. Dawn Chang. “

“To put things in proper perspective, this quoted statement of Fermin was a malicious, hateful, and malevolent response to our clients’ prior responsible exercise of free speech. Fermin’s response was meant to downplay the effect of our client’s comment on Ms. Toni Gonzaga’s participation in the proclamation rally of a particular set of politicians,” saad ng abogado ni Dawn na si Rafael Vicente Calinisan sa isang pahayag.

Dito hinamon ng kampo ni Dawn si Cristy na pangalanan nito ang mga “boss ng ABS-CBN” na iniugnay niya sa dancer.

“Kung wala kang kredibilidad, ‘wag ka nang mandamay. Let us be clear: no one has the right to objectify women and disparage their repuraiton. Ang mga babae ay nirerespeto at minamahal.”

Nakasaad din sa huli na kailangang maglabas ng public apology si Nay Cristy kay Dawn, at dapat mailathala sa ilang broadsheets kabilang ang ilang  programa o social media platforms ng entertainment columnist.

Binigyan lang ng kampo ni Dawn si Cristy ng hanggang ika-16 ng Pebrero, Miyerkules. Ang magiging hakbang ni Cristy ang magtatakda kung itutuloy ng kampo ni Dawn ang “criminal, civil and even administrative actions” laban kay Cristy.

Basahin: Cristy Fermin kay Dawn Chang: ‘Ikaw ang dapat i-bash’

Sa episode ng Cristy Ferminute ay napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika ang tungkol sa post na ibinahagi ni Dawn Chang patungkol kay Toni Gonzaga nitong Pebrero 10.

Nakuha ng ABS-CBN talent ang atensyon ni Cristy matapos niyang isapubliko ang sarili niyang opinyon kay Toni Gonzaga, partikular ang yugto na ipinakilala ng huli si Rep. Rodante Marcoleta sa BBM proclamation rally.

“Nagpapa-righteous at sikat itong si Dawn Chang,” wika ni Nay Cristy “Di ba ‘yun ‘yang dancer?” tanong pa niya.

Sinabi pa ni Nay Cristy na alam niya kung paano ito nagkakaroon ng trabaho. “Itong si Dawn Chang, kaya nagkakaroon ng mga trabaho ‘yan, alam na alam sa ABS.”

“Naku Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba’t ka nagkakaroon ng trabaho? Eh pa bash-bash ka pa. Ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss,” dagdag pa ni Cristy.

Gigil na sabi ni Nay Cristy nang pabiro, “Naku ha, Dawn Chang. Tumigil ka nga. Dawn Chang me, Dawn Chang me charot!”

Post a Comment

Previous Post Next Post